(adsbygoogle = window.adsbygoogle || []).push({});

Day 217 - The Boy and his Ice Scramble Today is the 13th day! May kaunti pa akong mga rashes pero yung iba na una nang lumabas nuong Day 7 ay halos tuyo na lahat. Unti unti narin akong nakakakita ng mga magagandang pagbabago sa aking katawan! Mas kaya ko na yung mainit na pakiramdam at mas nadadala ko na yung hilo. All is good and hopefully ay magtuloy tuloy na ito! At para nga hindi na ako magkaruon pa nang mga panibagong allergies ay tinodo ko na talaga ang pagtitimpi nang matiyempuhan ko ang batang ito, pagkalabas ko sa Simbahan, na may hawak na Ice Scramble! May chocolate syrup at gatas na sangkap kasi ito na nasa listahan nang mga pagkaing bawal ko muna kainin. Kaya hanggang tingin na lang talaga ako kanina! Ang hirap pero dalawang araw na lang naman! Kapag nalampasan ko na ang unang labinglimang araw ay magbibilang ulit ako nang panibagong 15 days. Pagkatapos ay dalawang buwan naman! Sana ay maganda ang kalabasan nang lahat pagdating nang October 24! If all goes really well ay makakabalik na ulit ako sa sirkulasyon! #project365 #igersphilippines #igersasia #blackandwhiteigers #blackandwhitestreetphotography #bnw_philippines #world_bnw #bnwstreetphoto #phonephotography #mobilephotography #streetphotography #streets_storytelling #LensOnStreets #mystiquephotos #darkroom_daydream #litratongpinoy #kantography #KwentongKalyePH #tuklas_pinasitimatputi #tuklas_kalyepinas #friendsinbnw #peopleinframe #bipolardisorder #humansandstreetsofthephilippines #snapseedph #snapseedbnw #UntwineMePh #positive #Tuklas_BatangPinoy Read more post at: www.thebookofdyuson.wordpress.com *************************************** dpy2018™

Share 166 5

Day 215 - Another ancestral house May isa pang ancestral house, na nakatayo sa tabi lang nang bahay ni Kapitan Moy, ang sigurado nang makikita ko muli sa Lunes kapag bumalik ako sa Marikina. Time to meet The Miss Quennie kasi! Oras nanaman para sa isang ikot. Panahon na upang sundan ang bilang na labing lima. Papasaan ba at darating din ang araw na isang quarter na ang pagitan! Actually, puwede naman na sa Tuesday pa ako lumakad. Kaya lang ay baka ma-compromise naman ang aking Wednesday morning kaya Monday na ako makikipagtagpo. Mahirap nang mag bakasakali. Ayoko nang "bahala na". Besides nagpa abiso na rin naman ako kahapon pa at pumayag naman ang aking kausap. I am very lucky to have such an understanding and supportive circle helping me! Speaking of "Lucky", nakatanggap nanaman ako nang isa pang biyaya. This time ay mula naman kay The Miss Angelica! Tulad nang dati ay hindi ko inaasahan ang tulong na kanyang ipinadala. Malayo ang mararating nang kanyang regalo. Kapag maigi na ang katawan ko ay sisikapin kong makipagsapalaran ulit! For now, ako'y magpapalakas muna! #project365 #igersphilippines #igersasia #blackandwhiteigers #blackandwhitestreetphotography #bnw_philippines #world_bnw #bnwstreetphoto #phonephotography #mobilephotography #streetphotography #streets_storytelling #LensOnStreets #mystiquephotos #darkroom_daydream #litratongpinoy #kantography #KwentongKalyePH #tuklas_pinasitimatputi #tuklas_kalyepinas #friendsinbnw #peopleinframe #bipolardisorder #humansandstreetsofthephilippines #snapseedph #snapseedbnw #UntwineMePh #positive #marikinacity #ancestralhouse Read more post at: www.thebookofdyuson.wordpress.com *************************************** dpy2018™

Share 177 5

Day 214 - A teenage boy learning how to play the guitar Biglang tumigil sa pag ikot ang ginagamit kong electric fan! Miski anong gawin kong linis ay ayaw na niya talaga gumana. Sinubukan ko ring alug-alugin pero walang effect! Dati naman, kapag humihinto siya ay nadadala pa siya sa pag uga-uga. Pero ngayon ay ayaw na niya talaga umaandar! Naisip ko na baka gusto na rin talaga niya magpahinga! Alam nang lahat ng tunay na nakakakilala sa akin kung gaano kahalaga sa akin ang mayroong electric fan! Madali kasi akong hingalin at kapusin ng hininga. Kailangan ko parati ng hangin. Madalas din ay mainit ang pakiramdam ko at parang nabuhusan ng isang timba nang tubig kapag nag pawis. Kaya kapag nasa bahay ay nakatutok talaga sa akin ang electric fan! At dahil wala nga akong magamit ay panay ang paypay ko at medyo iritado ang aking pakiramdam kagabi! Pero ewan ko ba kung ano ang nagawa kong mabuti at bigla na lang akong nakatanggap ulit nang panibagong blessing! God knows exactly what I need kasi out of the blue ay may bigla na lang nag regalo sa akin ng bagong electric fan nitong hapon! Nakakagulat! Nakakatuwa! Nakakamangha! Hindi ko pa ipinagdarasal ay ibinigay na nang Panginoon! Amazing talaga! At dahil nga relax na ang pakiramdam ko ay nakalabas na ako ng bahay kanina para pumunta sa Bakery. Naabutan ko sa kanto ang binatang ito na nagaaral magpatugtog ng gitara! #project365 #igersphilippines #igersasia #blackandwhiteigers #blackandwhitestreetphotography #bnw_philippines #world_bnw #bnwstreetphoto #phonephotography #mobilephotography #streetphotography #streets_storytelling #LensOnStreets #mystiquephotos #darkroom_daydream #litratongpinoy #kantography #KwentongKalyePH #tuklas_pinasitimatputi #tuklas_kalyepinas #friendsinbnw #peopleinframe #bipolardisorder #humansandstreetsofthephilippines #snapseedph #snapseedbnw #UntwineMePh #positive #guitar #binatangpinoy Read more post at: www.thebookofdyuson.wordpress.com *************************************** dpy2018™

Share 160 1

Day 212 - New Laundry Hub Hindi ko nanaman na sulit ang buffet kanina sa Don Day Korean Barbeque sa Kalayaan. Ayoko na kasing madagdagan pa ang rashes ko na una nang naglitawan sa aking kanang braso at nagsulputan na rin sa aking kaliwang braso, kanang kamay, batok, leeg, dibdib, likod, at magkabilang tagiliran! Ayon sa aking pagsasaliksik ay normal naman ito lalo na sa unang linggo kaya okay lang. Pero sana naman ay ito na ang huli. Tama na naman please! Anyway, after kong mag purga nang Samgyeopsal ay nag tungo naman ako sa bagong bukas na Laundry Hub sa kanto ng JP Rizal Street. Naglaba ako ng aking mga pillow case, banquets, and towels. Medyo mas masaya duon kasi bukod sa mas affordable na ay mas comfortable din ang waiting area. May AC, may TV, at may WIFI pa! At kung mauuhaw ka naman ay may tinda na rin silang mga malalamig na soft drinks! Nakatayo ang nasabing Laundry Hub sa dating abandonadong commercial complex na malapit sa Labor Hospital. Nasa kaliwa nito ang halos kabubukas din lang na LBC at nasa kanan naman ang tinatayong building na dati ay abandoned house and lot din. Alam na alam ko ang lugar na iyon sapagkat duon shinooting ang dalawang Indie Films na may pamagat na "Venue" and "Menthol Candy". Parehong pinagbibidahan din ni Vhong Escopa ang mga nasabing pelikula. #project365 #igersphilippines #igersasia #blackandwhiteigers #blackandwhitestreetphotography #bnw_philippines #world_bnw #bnwstreetphoto #phonephotography #mobilephotography #streetphotography #streets_storytelling #LensOnStreets #mystiquephotos #darkroom_daydream #litratongpinoy #kantography #KwentongKalyePH #tuklas_pinasitimatputi #tuklas_kalyepinas #friendsinbnw #peopleinframe #bipolardisorder #humansandstreetsofthephilippines #snapseedph #snapseedbnw #UntwineMePh #positive #laundryshop Read more post at: www.thebookofdyuson.wordpress.com *************************************** dpy2018™

Share 153 0
Advertisement
(adsbygoogle = window.adsbygoogle || []).push({});

Day 209 - On youth and old age Maraming mga bagay akong nagawa noong kabataan ko, na although hindi ko naman talaga dibdibang pinagsisisihan, ang sana ay mas napagisipan ko muna nang mabuti bago ko sinuong! Dapat mas naging matalino ako. Dapat mas naging maingat. Dapat mas naging kalkulado. Dapat pala ay mas ginamit ko ang aking isip kaysa sa aking emosyon! Ngunit nangyari na nga ang lahat nang mga nangyari. Inaani ko lang ngayon kung ano ang aking tinanim noon. I am my present because of my past. Beaten pero stand tall lang ulit. Tuloy lang ang laban. Move on lang. Dapat walang regrets. Kailangan kong mabuhay sa bagong realidad. Besides hindi naman ako pinapabayaan ng Panginoon. Patuloy naman akong nakakatanggap ng tulong mula sa mga taong totoong nagmamalasakit. Payapa at kontento naman ang aking puso. Malinaw at tahimik naman ang aking isip. Yun, para sa akin, ang mas mahalaga! Today is the fifth day. Naging mahimbing naman ang aking tulog kagabi. Tila nababawasan na nang bahagya ang basura. Patag na ang daan sa likod. Kaya lang ay ramdam ko parin ang hilo. Hirap parin ako sa pagdilig. Tila sisipunin pa ako. At nagkaruon ako nang rashes sa kanang braso. Dahil ba ito sa sahog na squid balls sa Lomi ni Buddy? Sana naman ay huwag na ako parusahan ng Chicken Mami ni Mang Pol! #project365 #igersphilippines #igersasia #blackandwhiteigers #blackandwhitestreetphotography #bnw_philippines #world_bnw #bnwstreetphoto #phonephotography #mobilephotography #streetphotography #streets_storytelling #LensOnStreets #mystiquephotos #darkroom_daydream #litratongpinoy #kantography #KwentongKalyePH #tuklas_pinasitimatputi #tuklas_kalyepinas #friendsinbnw #peopleinframe #bipolardisorder #humansandstreetsofthephilippines #snapseedph #snapseedbnw #UntwineMePh #positive #mural #pedestrianlane Read more post at: www.thebookofdyuson.wordpress.com *************************************** dpy2018™

Share 173 2

Day 208 - Two ladies at the taxi bay Ilang beses kong nakaharap si Miss Bucao sa aking panaginip. Tila nagliliyab nanaman ang aking pakiramdam. Medyo nahihirapan ako sa pag ihi. Tila may makirot din sa kaliwa kong tagiliran. At naramdaman ko muli ang matinding hilo kagabi! . Bagamat nabawasan ay nagpatuloy naman ang hirap sa pag dilig, ang matinding hilo at ang sobrang init nitong umaga. At dahil sa sama nang aking pakiramdam ay nakuntento na lang ako sa agahang apat na pirasong saging na saba at isang basong gatas na pang matanda. Hindi ako nabusog pero kapos ang aking lakas para makapag luto pa. Ika apat na araw pa lang! Pag dating ng kapatid ko ay pinilit niya ako na lumabas ng bahay at kumain sa Cabalen. Sa kabila nang dami ng pagkain ay hindi ko nasulit ang buffet. Marami kasi ang bawal. Nakuntento na lang ako sa Lechon at Ginatang Kuhol. Pagkatapos kumain ay nagpamassage kami. Pinilit ko ring mag ikot sa mall. Bago mag alas kuwatro ay nag aabang na kami nang masasakyan. At dahil nga sa kakaibang timpla ng aking katawan ay hindi na kami nakipagsabayan pa sa dalawang babae sa taxi bay. #project365 #igersphilippines #igersasia #blackandwhiteigers #blackandwhitestreetphotography #bnw_philippines #world_bnw #bnwstreetphoto #phonephotography #mobilephotography #streetphotography #streets_storytelling #LensOnStreets #mystiquephotos #darkroom_daydream #litratongpinoy #kantography #KwentongKalyePH #tuklas_pinasitimatputi #tuklas_kalyepinas #friendsinbnw #peopleinframe #bipolardisorder #humansandstreetsofthephilippines #snapseedph #snapseedbnw #UntwineMePh #positive #aranetacenter #umbrellaplanet Read more post at: www.thebookofdyuson.wordpress.com *************************************** dpy2018™

Share 168 1

Day 207 - Twelve days Naging medyo challenging lang nuong unang gabi. Mas matagal ang pagligo ko dahil mainit. Nakabuti ang aking pag higa at hindi ko gaano naramdaman ang pag ikot nang mundo. May pumipitik sa aking sentido. May napakalaking lamok sa aking kanang braso. Ang akala ko ay totoo ang aking panaginip. Nagtuloy ang yanig nuong ikalawang araw. Hindi naman gaano malubha kaya tuloy lang ang panonood kina Wewe Medina at Peter Quiel. Tila naka tungga lang ng isang bote ang pakiramdam. Mainit kapag hindi nakaharap. Inabangan ko ang lamok pero wala na. Nakausap ko si The Miss Joan ng lampas isang oras kaya nagabayan ako. Gusto ko na manuod ng sine! Ikatlong araw pa lang ngayon pero may mabuti na. Pumatag na ang lubak na daan sa likod. Magaan na nang bahagya ang dati ay may kabigatan. Nakatutok parin ang Promac. Nakakaginhawa naman ang malamig na Iced Tea. Marami ang hindi dapat kaya baka at saging muna. Nakakasabik pero tiis lang para maayos! Sana ay okay lang ang lumampas ng isang minuto. After twelve days ay babalik ako dito. Sana by then ay mas may kaayusan. #project365 #igersphilippines #igersasia #blackandwhiteigers #blackandwhitestreetphotography #bnw_philippines #world_bnw #bnwstreetphoto #phonephotography #mobilephotography #streetphotography #streets_storytelling #LensOnStreets #mystiquephotos #darkroom_daydream #litratongpinoy #kantography #KwentongKalyePH #tuklas_pinasitimatputi #tuklas_kalyepinas #friendsinbnw #peopleinframe #bipolardisorder #humansandstreetsofthephilippines #snapseedph #snapseedbnw #UntwineMePh #positive #bicycle #marikinacity Read more post at: www.thebookofdyuson.wordpress.com *************************************** dpy2018™

Share 183 2

Day 205 - State of the Nation Naging detalyado naman ang mga instructions na ibinigay ni The Miss Quennie. Mabilis din lang ang aming pag uusap. Ibinigay din niya kaagad ang mga kailangan. Kaya naman wala pang 30 minutes ay nasa labas na ako ng gusali, naghihintay nang matapos ang timer, at patawid na nang kalsada. Nagtatalo ang aking isip kung bababa pa ba ako nang tulay upang makunan ng larawan ang ilog, ang rebulto, o ang pagoda. Kaya lang ay nagdalawang isip ako sapagkat medyo madilim ang langit. Kailangan ko ring magluto ng Nilagang Baka. Yun lang daw kasi ang maaari, at least for the next 15 days. Simula na kasi ang bilang ngayong araw. Nilakad ko na lang ulit ang kaparehong ruta na tinahak ko nuong ako ay papunta. Namataan ko yung bata sa likod nang kalawanging bisikleta. Yung musmos na naging paksa ko 14 days ago. May kasama siyang isang babae. Isang ina na may tangan na sanggol. Nakasalampak sila sa sidewalk. Nag bebenta ng peryodikong headline ang mga kaganapan sa State of the Nation kahapon. #project365 #igersphilippines #igersasia #blackandwhiteigers #blackandwhitestreetphotography #bnw_philippines #world_bnw #bnwstreetphoto #phonephotography #mobilephotography #streetphotography #streets_storytelling #LensOnStreets #mystiquephotos #darkroom_daydream #litratongpinoy #kantography #KwentongKalyePH #tuklas_pinasitimatputi #tuklas_kalyepinas #friendsinbnw #peopleinframe #bipolardisorder #humansandstreetsofthephilippines #snapseedph #snapseedbnw #UntwineMePh #positive #motherandchild #marikinacity Read more post at: www.thebookofdyuson.wordpress.com *************************************** dpy2018™

Share 173 2

Day 204 - Tinted At dahil nagsimula nang bumuti ang panahon kahapon nang hapon ay nakalabas na rin ako nang bahay - sa wakas! Nagpunta ako kay Aling Annaliza. Nagpaluto ako nang two orders of Chicharong Bulaklak. Kinse minuto raw ang cooking time sabi ni Mang Isidro. Tinaggap ko naman kaagad ang sinet na expectation. Very willing akong naghintay. While waiting ay napansin ko ang batang ito. Panay ang punas at pagpag niya ng kanyang mukha. Panaka-naka ay tinitignan din niya ang kanyang sarili sa tinted na salamin ng kotse. Katatapos lang kasi niya magpatabas kay Ramil. Sana pala ay nagpagupit na rin ako ng buhok. May lakad kasi ako bukas. Tinawagan na kasi ako ni The Miss Quennie nuong Biyernes! Pumunta na raw ako ruon. Another answered prayer! Kung tutuusin ay mabuti na rin at bukas pa ako naka schedule pumunta. Nasa balita kasi kanina na nasa State of Calamity ngayon ang Marikina. Mukhang magpapaka abala pa sila ngayon sa pag lilinis ng kapaligiran. Another reason why I prefer narin tomorrow instead of today is because ayokong maabala ngayon. Gusto ko kasing tutukan ang ikatlong State of the Nation Address ni Mang Digong! #project365 #igersphilippines #igersasia #blackandwhiteigers #blackandwhitestreetphotography #bnw_philippines #world_bnw #bnwstreetphoto #phonephotography #mobilephotography #streetphotography #streets_storytelling #LensOnStreets #mystiquephotos #darkroom_daydream #litratongpinoy #kantography #KwentongKalyePH #tuklas_pinasitimatputi #tuklas_kalyepinas #friendsinbnw #peopleinframe #bipolardisorder #humansandstreetsofthephilippines #snapseedph #snapseedbnw #UntwineMePh #positive #Tuklas_BatangPinoy #tintedcar Read more post at: www.thebookofdyuson.wordpress.com *************************************** dpy2018™

Share 182 14

Day 202 - Reductions A few days ago ay nag bawas muli ako nang ilan pang mga karakter mula sa aking mga social media accounts. Ang isa ay in-unfriend ko sapagkat idinaan ako sa alibi na kesyo nanginig daw siya at ni hindi makatugon sa aking mga pagpapaalala. Nabuko ko rin ang kanyang lantarang kasinungalingan dahil sa mga musmos na di raw alam ang malalim na kuwento. Sana kasi ay hindi na lang niya ako ipinastol sa isang giyera kung iiwan lang naman pala niya ako sa gitna nang laban! Ang pangalawa naman ay binlock ko sapagkat hindi ko kayang tanggapin nang basta basta na lang ang mga pang bu-bully niya sa ilang mga taong naghahayag lamang nang nararamdaman! Talagang nangilabot ako sa pinakahuling hate post niya na naging mitsa nang aking pagkadismaya! Sa naturang post ay nilibak niya nang walang pakundangan ang pagkatao nang isang dating kasamahan dahil nagpahayag ito nang lumbay. Hindi yata nauunawaan nang mapanghusga ang hirap na pinagdaraanan nang malungkot! Ang huli ay tuluyan ko na ring tinangggal mula sa aking Friends List dahil nahalata kong ginagamit lamang niya ang aking impluwensiya upang mapalapit sa isang kakilala. Okay lang sana na gawin niya akong tulay sa kanyang napupusuan ngunit ang utusan pa ako na tila utang na loob ko pa ang siya ay gawan ng pabor ay hindi na katanggap tanggap! Ang lakas nang loob na obligahin akong sumugod sa malakas na ulan para lamang mabuo ang ilusyon niyang siya ay pinagkakapitagan! Ni hindi nga nakiusap! Utos daw talaga! #project365 #igersphilippines #igersasia #blackandwhiteigers #blackandwhitestreetphotography #bnw_philippines #world_bnw #bnwstreetphoto #phonephotography #mobilephotography #streetphotography #streets_storytelling #LensOnStreets #mystiquephotos #darkroom_daydream #litratongpinoy #kantography #KwentongKalyePH #tuklas_pinasitimatputi #tuklas_kalyepinas #friendsinbnw #peopleinframe #bipolardisorder #humansandstreetsofthephilippines #snapseedph #snapseedbnw #UntwineMePh #positive #billboard #silhouette Read more post at: www.thebookofdyuson.wordpress.com *************************************** dpy2018™

Share 175 2

Day 201 - My faith is greater now than my fear Pamilyar sa akin ang nararamdaman niyang hapis sa kasalukuyan. Kaya naman sa kabila nang panakanakang pag ulan ay sinamahan ko siya sa Monasterio de Sta Clara. Tangan niya papasok sa bahay dalanginan ang alay na kanina ay pinagkagastusan niya mula kay Kaka Panchang. Nakabalot ito sa cellophane na kulay rosas. Dumiretso siya sa baba habang ako naman ay nanatili lang sa loob nang Simbahan. May mga personal na dalangin din akong nais i-usal. Hindi ko naiwasang paulit ulit na ipagpasalamat ang mga di inaasahang biyaya na ipinagkaloob sa akin kamakailan. Bumalik din sa aking ala ala ang napakarami pang panalangin na dininig nang Panginoon simula nang ito ay sambitin ko sa Monasterio na ito. Ang pinaka huling dasal at kahilingan kong natupad na ay naganap noon lamang buwan ng Hunyo. Truly, prayers are answered here! Kinuha ko rin ang pagkakataon na itaas sa langit ang isang pangangailangan. Medyo naaantala ang pagdating nito. Marahil dahil sa mga sitwasyon at mga nagaganap sa kasalukuyan. Ngunit tiwala naman akong papasaan ba ay masisimulan din. Kailangan ko lang talagang maging mas matiyaga. Alam kong magiging maayos din naman ako habang naghihintay. Wala akong dapat pang ikabahala. After everything that I have been through, my faith is greater now than my fear! #project365 #igersphilippines #igersasia #blackandwhiteigers #blackandwhitestreetphotography #bnw_philippines #world_bnw #bnwstreetphoto #phonephotography #mobilephotography #streetphotography #streets_storytelling #LensOnStreets #mystiquephotos #darkroom_daydream #litratongpinoy #kantography #KwentongKalyePH #tuklas_pinasitimatputi #tuklas_kalyepinas #friendsinbnw #peopleinframe #bipolardisorder #humansandstreetsofthephilippines #snapseedph #snapseedbnw #UntwineMePh #positive #monasteriodestaclara #mystaclarastory Read more post at: www.thebookofdyuson.wordpress.com *************************************** dpy2018™

Share 179 2

Day 200 - Let me talk about the good things first Ayon sa email, kailangan ala una nang hapon daw ay narito na ako sa lugar na ito. Nahigitan ko naman ang parteng iyon. Sa katunayan, sa sobrang aga ko ay nakatagpo ko pa si Pauline. Nagkakamustahan kami sa tapat nang babaeng naka postura. Ang dami niyang updates. Kalaunan, pumayag siya na ako ay samahan hanggang sa matapos. Medyo natagalan bago ang pirmahan. Sabi kasi ni The Miss Jairah ay abala raw siya. Hindi na ako nag reklamo. Bakit pa? Wala na akong pakialam sa kakulangan at pagkakamali. Wala akong karapatang mainis. Sa katunayan ay natuwa pa nga ako! Sino ba naman kasi ang mag aakala? Walang kahiraphirap. Walang kaeffort effort! Bigla na lang! Higit pa sa dapat. Mabuti talaga ang Panginoon. Ibinigay niya sa akin ang hindi ko inasahan. Alam kong ipagkakaloob din niya ang bagay na mas kailangan ko sa kasalukuyan. Mag hihintay lang ako. Anyway, nang matapos na ang lagdaan at abutan ay nagpaalam na ako sa huling pagkakataon kay Manong Niño. Nagtungo na kami ni Pauline sa taas at binusog ang aming mga sarili. Pinagpatuloy namin ang huntahan. Nang sumapit na ang alas tres ay nagkapaalaman na. Sa kasagsagan nang malakas na ulan ay kinatagpo ko naman si Jeffrey. Nagbahagi rin ako nang biyaya. Tulad nang kung paano rin ako nabahagian nang ilang mga kaibigan nuong ako ay wala. #project365 #igersphilippines #igersasia #blackandwhiteigers #blackandwhitestreetphotography #bnw_philippines #world_bnw #bnwstreetphoto #phonephotography #mobilephotography #streetphotography #streets_storytelling #LensOnStreets #mystiquephotos #darkroom_daydream #litratongpinoy #kantography #KwentongKalyePH #tuklas_pinasitimatputi #tuklas_kalyepinas #friendsinbnw #peopleinframe #bipolardisorder #humansandstreetsofthephilippines #snapseedph #snapseedbnw #UntwineMePh #shadow #silhouette #uptowncenter Read more post at: www.thebookofdyuson.wordpress.com *************************************** dpy2018™

Share 180 4

Day 198 - A dark rainy day It's a dark rainy day! Mahina ngunit tuloy tuloy ang ulan! As a result, malapit nang umabot sa ikatlong alarma ang taas ng tubig sa ilog ng Marikina. Simula pa lang kasi kagabi ay nagpipighati na ang langit. Ayon kay Mang Tanie, asahan na raw ang patuloy na pagbuhos nang ulan sa mga susunod pang mga araw. May paparating nanaman daw kasing bagyo! Sana pala ay isinama ko na sa aking panalangin kanina sa St Joseph Shrine ang kahilingang bumuti na ang panahon. Bukod kasi sa iba't ibang mga hassle na dala ng pag ulan ay gustong gusto ko na rin kasi talagang makabalik kaagad sa Marikina! Gusto kong katagpuin si The Miss Queenie! Gusto kong masimulan na. Gusto kong maging maayos na ang lahat! Pero, kung sakali mang hindi pa ako makakabalik sa Marikina ay sana naman maging maayos ang sitwasyon para makarating naman ako sa U.P. Town Center sa Huwebes. May natanggap kasi akong email mula kay Aling Ligaya kanina. Mukhang may magandang balita. Mukhang may sagot ulit ang langit. Mukhang may bagong biyaya! . #project365 #igersphilippines #igersasia #blackandwhiteigers #blackandwhitestreetphotography #bnw_philippines #world_bnw #bnwstreetphoto #phonephotography #mobilephotography #streetphotography #streets_storytelling #LensOnStreets #mystiquephotos #darkroom_daydream #litratongpinoy #kantography #KwentongKalyePH #tuklas_pinasitimatputi #tuklas_kalyepinas #friendsinbnw #peopleinframe #bipolardisorder #humansandstreetsofthephilippines #snapseedph #snapseedbnw #UntwineMePh #positive #umbrellaplanet #shadowsmagazine Read more post at: www.thebookofdyuson.wordpress.com *************************************** dpy2018™

Share 201 2

Day 192 - Footwear Museum Natagalan bago ako makaalis nang bahay dahil nahirapan akong paabutin hanggang sa itim na linya yung pulang lalagyan. Inabot ako nang halos kalahating oras bago maging sapat yung kailangan. Pinilit kong ibigay ang hinihingi ni The Miss Queenie. Mas mainam nang malaman na ang lahat para sumulong na. Wala nang atrasan. Haharapin ko na ang lahat! Hindi tulad nuong unang araw ay lagpas na sa takdang oras nang ako ay makarating. Pero sa kabila nito ay tumuloy parin. Natuwa ako sa ginawang pag asikaso. Hindi naman ako napabayaan. Mula umpisa hanggang sa matapos ay naka alalay sa akin si Inday Agoc. Napagbigyan at napunuan ang aking mga pagkukulang. May bonus pang puso sa pusong talakayan at tapik sa balikat mula kay Mang Ray. Nang nabigay na ang hudyat ay umalis na rin ako. Naabutan ko pang bumili ng Fried Isaw at Buko Juice si Emmanuel Bagets. Mula traffic light ay dumiretso ako sa Footwear Museum para naman malibang. Pagkatapos kong makunan ng larawan ang lugar ay nagtuloy na ako sa Macky's. Pasado alas onse na at nakaramdam na rin ako ng gutom. Nabusog naman ako sa tag dadalawang order nang Goto, Tokwa't Baboy, Lumpiang Sariwa, Mais con Yelo, at Pepsi. #project365 #igersphilippines #igersasia #blackandwhiteigers #blackandwhitestreetphotography #bnw_philippines #world_bnw #bnwstreetphoto #phonephotography #mobilephotography #streetphotography #streets_storytelling #LensOnStreets #mystiquephotos #darkroom_daydream #litratongpinoy #kantography #KwentongKalyePH #tuklas_pinasitimatputi #tuklas_kalyepinas #friendsinbnw #peopleinframe #bipolardisorder #humansandstreetsofthephilippines #snapseedbnw #UntwineMePh #positive #marikinashoemuseum #marikinacity #shadowsmagazine Read more post at: www.thebookofdyuson.wordpress.com *************************************** dpy2018™

Share 170 2

Day 191 - The boy behind the bicycle Nakarating ako sa Marikina nang trente minuto bago ang takdang oras ng aking appointment. Kaya naman nagkaruon pa ako nang sapat na sandali para makapagtingin tingin sa paligid at makakuha nang ilang larawan. At nang makarating nga ako sa may palengke ay napansin ko ang batang lalaking ito na nakatayo sa likod ng nakaparadang bisikleta. Ang totoo ay hanggang ngayon hindi ko parin maunawaan kung ano ba talaga ang kanyang ginagawa ruon. Binabantayan ba niya ang kalawanging de pedal? Pinagtataguan ba niya yung lalaking namamalo ng isang batang babae sa di kalayuan? O baka naman inaabangan niya ang pagdating nang kanyang nanay na namalengke nang kanilang pang ulam? At dahil hindi ko rin naman hinintay ang mga sumunod na nangyari sa tagpong ito ay hindi ko na rin malalaman pa ang tunay na kuwento. Aasa na lamang ako na makita ko siya muli bukas kapag bumalik ako sa Marikina. Sa kabila kasi nang unang hakbang ay may mga kailangan pa akong tapusin bago raw masimulan. Hindi na rin masama. Ang mahalaga ay umabante na! #project365 #igersphilippines #igersasia #blackandwhiteigers #blackandwhitestreetphotography #bnw_philippines #world_bnw #bnwstreetphoto #phonephotography #mobilephotography #streetphotography #streets_storytelling #LensOnStreets #mystiquephotos #darkroom_daydream #litratongpinoy #kantography #KwentongKalyePH #tuklas_pinasitimatputi #tuklas_kalyepinas #friendsinbnw #peopleinframe #bipolardisorder #humansandstreetsofthephilippines #snapseedbnw #UntwineMePh #positive #bicycle #Tuklas_BatangPinoy #marikinacity Read more post at: www.thebookofdyuson.wordpress.com *************************************** dpy2018™

Share 191 4

Day 189 - Our Lady of the Abandoned Parish of Marikina City Sa pagpapatuloy nang aking kuwentong bahagyang naantala, nagtungo na nga ako sa simbahan pagkatapos kong samahan sa waiting shed ang manong na pagod. Ilang hakbang lang mula pahingahan ay ang Dambana ng Ina ng walang mag-ampon. Kilala rin ito bilang Our Lady of the Abandoned Parish of Marikina City. Sa mismong tapat ng main altar ay nakahanap ako nang bakanteng upuan. Pumuwesto ako sa pinaka unahan. Pagkaupo ay pinagmasdan ko muna ang ganda ng paligid. Pinanuod ko ang isang Sakristan habang inihahanda niya ang altar para sa isang misa. Tiningala ko rin ang mga nakapintang larawan nang isang eksena sa muling pagkabuhay. Nang kalmado na ako ay nagsimula na akong manalangin. Paulit ulit kong ipinagpasalamat ang ipinagkaluob na biyaya. Isang milagrong idinaan sa isang panaginip. Abot langit din ang ginawa kong pagpapasalamat sa muli naming pagtatagpo nang aking Ina. Sino ba naman ang magaakala? Ipinagdasal ko rin silang mga nanakit at nagpaasa. At huli ay hiniling ko na ipakita Niya sa akin ang daan patungo sa kung saan makakamtan ko ang pangakong lunas. #project365 #igersphilippines #igersasia #blackandwhiteigers #blackandwhitestreetphotography #bnw_philippines #world_bnw #bnwstreetphoto #phonephotography #mobilephotography #streetphotography #streets_storytelling #LensOnStreets #mystiquephotos #darkroom_daydream #litratongpinoy #kantography #KwentongKalyePH #tuklas_pinasitimatputi #tuklas_kalyepinas #friendsinbnw #bipolardisorder #humansandstreetsofthephilippines #snapseedbnw #UntwineMePh #tuklas_pinastruktura #architecture #ourladyoftheabandonedparish #catholicchurchinthephilippines #myolastories Read more post at: www.thebookofdyuson.wordpress.com *************************************** dpy2018™

Share 169 2

Day 188 - Same old routine Umulan ng malakas habang nanananghalian ako sa Mang Inasal sa Ali Mall. At miski na wala akong dalang payong ay hiniling ko sa langit na sana'y lumakas pa at tumagal pa ang pag buhos nang luha nito. Tutal, hindi pa naman ako nag babalak umuwi sa bahay. Buo na kasi sa isip ko ang mag gala pa sa Cubao at magpa gabi ng uwi. May iniiwasan nga kasi ako! Nang matapos na akong kumain ay nagpunta naman ako sa Gateway Mall. Ang tunay na pakay ko ay ang dayuhin yung mga elepanteng berde. Kaya lang, hindi ko mahanap. I could not find my way for some reason. Naisip ko na baka exclusive lang iyon para sa mga kandidata ng Bb. Pilipinas at mga nag o-opisina sa Gateway Tower. Nuong nag ta-trabaho pa kasi ako dati sa TeleTech Araneta ay madalas akong magpunta ruon during break. Madalas ko rin tanawin duon ang Roosevelt College Cubao. Anyway, dahil nasawi nga ako sa aking unang balak ay dumiretso na lang ako sa Cineplex. Wala naman akong balak manuod ng movie. Gusto ko lang talaga makunan ang bahaging ito nang Araneta Center. Pamoso kasi ang area na ito sa mga nakasabit na lanterns at mga pedestrian lane art nila! Lalo na ang Pride Lane na tila fitting tribute sa mga galawan ng mga Tita Tita at Bagets Bagets sa Bakal. After all these years pala ay pareho parin ang kalakaran nang Meat Business sa Sinehan ng Gateway Mall. #project365 #igersphilippines #igersasia #blackandwhiteigers #blackandwhitestreetphotography #bnw_philippines #world_bnw #bnwstreetphoto #phonephotography #mobilephotography #streetphotography #streets_storytelling #LensOnStreets #mystiquephotos #darkroom_daydream #litratongpinoy #kantography #KwentongKalyePH #tuklas_pinasitimatputi #tuklas_kalyepinas #friendsinbnw #peopleinframe #bipolardisorder #humansandstreetsofthephilippines #snapseedbnw #UntwineMePh #myaranetastory #pedestrianlane #gatewaymall #architecture Read more post at: www.thebookofdyuson.wordpress.com *************************************** dpy2018™

Share 208 4

Day 187 - Ghost of the past Ang sino man na hindi tinahak ang eksaktong buhay na pinagdaanan ko bilang bata ay kailanman hindi maiintindihan kung gaano kahirap ang pakiramdam na paulit ulit na mailagay sa isang sitwasyon kung saan bumabalik sa iyong ala ala ang mga bangungot ng nakaraan! At sa katagang "bangungot ng nakaraan" ang ibig kong tukuyin ay ang mga pangmamaltratong dinanas ko, noong ako ay musmos pa, mula mismo sa mga taong dapat sana ay aking inaasahan! Kung hindi ka pamilyar sa ganitong uri nang pakiramdam ay ipagpasalamat mo ito ngayon at huwag nang naising madama pa! Hindi ko alam kung nananadya ba sila o talaga lang ipinagkakaila parin nila ang krimen nila sa akin matapos ang mahabang panahon, pero tila lagpas impiyerno naman yata ang kawalang pakiramdam nila at nakukuha pa talaga nilang tumungtong sa mismong teritoryo ko! Ang nakakagulat pa nito ay ni wala man lang silang bakas nang pagsisisi o hiya sa ginawa nilang kawalanghiyaang karumaldumal! Sa kagustuhan kong matahimik ang aking isip ay ako na lang talaga ang muling umiwas! Dahil tila wala silang balak mahiya ay agad akong nagbihis at umalis! Nagpunta na lang ako sa Cubao upang magpakalma! Una kong dinaanan ay ang Ali Mall! Ang laki nang pasasalamat ko at natiyempuhan ko si The Miss Venus Cadera Dumaguete! Pinanood ko siya kung paano bumaba, habang nag pa-pasarella, sa hagdang may staircase book design! #project365 #igersphilippines #igersasia #blackandwhiteigers #blackandwhitestreetphotography #bnw_philippines #world_bnw #bnwstreetphoto #phonephotography #mobilephotography #streetphotography #streets_storytelling #LensOnStreets #mystiquephotos #darkroom_daydream #litratongpinoy #kantography #KwentongKalyePH #tuklas_pinasitimatputi #tuklas_kalyepinas #friendsinbnw #peopleinframe #bipolardisorder #humansandstreetsofthephilippines #snapseedbnw #UntwineMePh #posttraumaticstressdisorder #alimall #staircasebookdesign #silhouette Read more post at: www.thebookofdyuson.wordpress.com *************************************** dpy2018™

Share 157 0

Day 186 - Rest if you must but do not quit Mula nga sa Clock Tower ay naglakad ako sa direksyon nang Marikina City Hall. Along the way ay may daanan pa akong ilang aleng bumibili nang rematadong papel de ahensya, lumang relo at sirang alahas. Pagdating sa Munisipyo ay gusto ko sanang kumuha nang mga larawan kaya lang ay may on going construction sa tapat nito kaya ipinagpaliban ko muna ang aking balak. Dumiretso na ako nang lakad papunta sa Sta. Elena High School kung saan nakuha naman ang aking pansin nang dalawang estudyanteng naglalaro ng chess. Sumilong ako sa lilim ng isang puno. Saglit kong pinanuod ang mga bata. Makalipas ang ilang minuto ay natalo na sa laro yung batang lalaki. Bilang parusa, kailangan niyang ikutin yung isang bahagi ng paaralan. Nagpatuloy ako sa paglalakad patungo sa direksyon ng Teatro Marikina. Nang makita ko na ang malaking billboard ng Otto ay kumanan ako hanggang sa matumbok ko ang isang waiting shed. Naabutan ko si Manong na di nagpapigil sa pagsi-siesta. At dahil pagod na rin naman ako sa kakalakad ay nagpahinga rin ako saglit. Pagkalipas nang ilang minuto, at nang mawala na ang aking hingal, ay tumuloy na rin ako. May kailangan akong mapuntahan. #project365 #igersphilippines #igersasia #blackandwhiteigers #blackandwhitestreetphotography #bnw_philippines #world_bnw #bnwstreetphoto #phonephotography #mobilephotography #streetphotography #streets_storytelling #LensOnStreets #mystiquephotos #darkroom_daydream #litratongpinoy #kantography #KwentongKalyePH #tuklas_pinasitimatputi #tuklas_kalyepinas #friendsinbnw #peopleinframe #bipolardisorder #humansandstreetsofthephilippines #snapseedph #snapseedbnw #UntwineMePh #9pmhabit #siesta #shadowsmagazine Read more post at: www.thebookofdyuson.wordpress.com *************************************** dpy2018™

Share 174 3

Day 185 - The Clock Tower of Marikina City Malakas ang loob kong lumabas nang bahay kaninang tanghali dahil maulap naman ang kalangitan at panakanakang umiihip ang hangin. Mas naging kampante ako sapagkat ayon kay Weather Live, ang maximum temperature raw today ay 32 Degrees Celsius lang. Ibig sabihin, kayang kaya ko nang tiisin iyon! Anyway, eksaktong alas dose y medya na nang makarating ako sa bayan. Pagkababa ko mula sa sasakyan ay saglit akong huminto sa tapat nang malaking orasan. Lumingon lingon ako. Mula sa aking kinatatayuan ay mayroon akong natanaw. Sa di kalayuan ay tila isa pang kasagutan. Duon ba? Maaari kaya? Paano sisimulan? Sino lalapitan? I have yet to know the answers to my questions. Pero alam kong sa mga susunod na araw ay malaki ang chansa na ako ay babalik. Malakas ang aking kutob na mapapadalas ako sa bayan. I just know that this would not be the last time that I will be checking on the time from the clock tower of Marikina City! #project365 #igersphilippines #igersasia #blackandwhiteigers #blackandwhitestreetphotography #bnw_philippines #world_bnw #bnwstreetphoto #phonephotography #mobilephotography #streetphotography #streets_storytelling #LensOnStreets #mystiquephotos #darkroom_daydream #litratongpinoy #kantography #KwentongKalyePH #tuklas_pinasitimatputi #tuklas_kalyepinas #peopleinframe #bipolardisorder #humansandstreetsofthephilippines #snapseedbnw #UntwineMePh #positive #umbrellaplanet #cloudporn #marikinaclocktower #marikinacity Read more post at: www.thebookofdyuson.wordpress.com *************************************** dpy2018™

Share 189 2
Advertisement
(adsbygoogle = window.adsbygoogle || []).push({});

Day 183 - A very different day Ibang iba ang araw ngayon kung ikukumpara ko ito sa mismong araw kung kailan ko naman kinunan ang larawang nakapaskil sa itaas. Malaking malaki talaga ang pagkakaiba! Nakakagulat, nakamamangha, at talaga namang nakawiwindang in a very good way! Hindi naman lingid sa kaalaman nang mga taong totoong nagmamalasakit sa akin ang mga pinagdadaanan ko lately. Sobrang hirap nang aking sitwasyon. Mahirap kalaban ang sarili! But, I guess God has a very different plan for me. Kaya naman nang naganap na nga ang mga kaganapan ngayon ay walang humpay ang nasambit kong pasasalamat sa Panginoon! Hindi ko alam kung bakit nitong mga nagdaang araw ay tila may bumubulong sa akin na magpunta ruon. Parang may nagsasabi sa akin na may sagot ang Diyos sa aking mga panalangin! Pati sa aking panaginip ay naririnig ko ang nasabing tinig. I did not heed to that voice until today! At talaga namang nagitla ako when I found out what it was! Amazing! Truly, God is good all the time! #project365 #igersphilippines #igersasia #blackandwhiteigers #blackandwhitestreetphotography #bnw_philippines #world_bnw #bnwstreetphoto #phonephotography #mobilephotography #streetphotography #streets_storytelling #LensOnStreets #mystiquephotos #darkroom_daydream #litratongpinoy #kantography #KwentongKalyePH #tuklas_pinasitimatputi #tuklas_kalyepinas #friendsinbnw #peopleinframe #bipolardisorder #humansandstreetsofthephilippines #snapseedbnw #UntwineMePh #positive #myaranetastory #cubao2018 #philippineflag Read more post at: www.thebookofdyuson.wordpress.com *************************************** dpy2018™

Share 185 2

Day 180 - A big man with a big umbrella Dalawang araw nang hindi umuulan. Medyo may kainitan pa nga ang araw ngayon! Pero sa kabila ng maalinsangang panahon ay medyo malakas naman ang hangin. Hindi na ako magtataka kung bumuhos naman ang luha ng langit mamayang gabi. Dahil sa pa-iba ibang klima ay dapat naman talagang laging handa! Normal na ngayon ang magdala nang mga panangga sa init at ulan. Normal na rin ang makakita ng malaking manong na may malaking payong! Why not? Mas mabuti na ang always ready! Kaysa naman magkasakit pa! Mas mahirap yun! Speaking of "magkasakit", gustong gusto ko sanang magpunta sa Pride March bukas! First time ko kasing makakadalo if ever. I'm sure masayang masaya yun! I'm sure marami akong makikita! Kaya lang, medyo nag aalinlangan ako. Dahil nga kasi sa pabago bagong panahon ay baka imbis na ligaya ay sakit lang ang makuha ko. #project365 #igersphilippines #igersasia #blackandwhiteigers #blackandwhitestreetphotography #bnw_philippines #world_bnw #bnwstreetphoto #phonephotography #mobilephotography #streetphotography #streets_storytelling #LensOnStreets #mystiquephotos #darkroom_daydream #litratongpinoy #kantography #KwentongKalyePH #tuklas_pinasitimatputi #tuklas_kalyepinas #friendsinbnw #peopleinframe #bipolardisorder #humansandstreetsofthephilippines #snapseedph #snapseedbnw #UntwineMePh #positive #umbrellaplanet #auroraboulevard Read more post at: www.thebookofdyuson.wordpress.com *************************************** dpy2018™

Share 160 1

Day 179 - Pedestrian Lane Sa oras na makatawid na yung babaeng nakapayong mula sa kabilang dulo nang pedestrian lane na ito ay halos matutumbok na niya ang isang sa mga sangay nang isang paaralang matagal nang nagsarado! Wala na rin halos makitang gusali sa mismong lote kung saan dati nakatayo ang eskwelahan! Mukhang tambakan na siya ngayon ng mga bulok na kahoy at kinakalawang na yero! Dalawa pang sangay nang nasabing paaralan ang nagsarado na rin ngayong taon. Ang isa ay nasa Cubao dati at ang isa naman ay nasa San Mateo. Nauna nang nag cease operation yung nasa San Juan! So, mula sa dating pitong branches ay tatlo na lamang ang bukas ngayon. Medyo malungkot din kasi minsan din naman akong naging bahagi nang mga nasabing institusyon nang pag aaral! Maraming dahilan kung bakit humantong sa pag sasarado ang mga paaralang dati ay namayagpag! Ang pinakhuli nga ay nabili na rin kasi sila nang mas malaking corporation! At ang sabi pa ay hindi na rin daw kasi kumikita! Wala na rin halos nag e-enroll! Luging lugi na rin talaga! Sayang! Kung nakinig lang sana sila dati! #project365 #igersphilippines #igersasia #blackandwhiteigers #blackandwhitestreetphotography #bnw_philippines #world_bnw #bnwstreetphoto #phonephotography #mobilephotography #streetphotography #streets_storytelling #LensOnStreets #mystiquephotos #darkroom_daydream #litratongpinoy #kantography #KwentongKalyePH #tuklas_pinasitimatputi #tuklas_kalyepinas #friendsinbnw #peopleinframe #bipolardisorder #humansandstreetsofthephilippines #snapseedph #snapseedbnw #UntwineMePh #positive #pedestrianlane #auroraboulevard Read more post at: www.thebookofdyuson.wordpress.com *************************************** dpy2018™

Share 178 0

Day 178 - Wild Dawgs Naka ilang sampa na rin sa rampa si Takahashi bago ko mapansin na dumating na rin pala si Dexter! Naanduon siya sa isang sulok ng court. Nakasuot nang kulay violet na t-shirt at kulay khaki na cargo pants. May bullcap na puti siya sa ulo. Nakasilong siya sa lilim ng punong acacia. Naghihintay nang pagkakataong makapag exhibition sa bars! Right across from where I am sitting ay naanduon naman si Prince. Naka kulay pink na kamiseta at kulay blue na shorts. Tila abala at may inaayos. Maya maya pa ay umangkas siya sa bisikleta. Saglit siyang nawala. Pagbalik niya matapos ang ilang minuto ay may dala na siyang screwdriver. Itinuloy niya ang pagkumpuni sa gulong ng kanyang skateboard. Iniwan ko na ang mga Wild Dawgs nang magsimula nang umambon. Kailangan ko pa kasing dumaan sa Simbahan. Kailangan kong ipagpasalamat ang bagong araw, ang bagong pagkakataon, ang bagong pag asa. Itataas ko rin sa Panginoon ang pasasalamat sa pagpapadala niya sa akin nang mga taong umunawa, mga kaibigang hindi nang iwan, at mga kadugong bumuo sa aking buhay. #project365 #igersphilippines #igersasia #blackandwhiteigers #blackandwhitestreetphotography #bnw_philippines #world_bnw #bnwstreetphoto #phonephotography #mobilephotography #streetphotography #streets_storytelling #LensOnStreets #mystiquephotos #darkroom_daydream #litratongpinoy #kantography #KwentongKalyePH #tuklas_pinasitimatputi #tuklas_kalyepinas #friendsinbnw #peopleinframe #bipolardisorder #humansandstreetsofthephilippines #snapseedph #snapseedbnw #UntwineMePh #positive #bagets #skaterboys Read more post at: www.thebookofdyuson.wordpress.com *************************************** dpy2018™

Share 177 0

Day 177 - The Best Choice It was clearly a choice between what I want and what I need. I chose the latter and did not regret it. It was the best choice! Hindi ako nagkamali. Iyon ang dapat! Iyon ang tama! At bakit naman hindi? Nakabalik ako miski na papaano. Nakausap ko si The Miss Angelica. May mga na-realize ako. Tama naman. May mas malala pa. Halos araw araw nang umuulan. Rainy season na kasi talaga. Pero bukas sisikat din naman ang araw. May dahilan talaga kung bakit ko piniling gawin ang huli. Ibinalik ko ang dalawang binasura na. Binuksan ko pareho. Nagulat ako! Sa wakas! Pagkatapos nang mahigit tatlongpung taon ay natagpuan na ako nang siyang matagal ko nang hinanap. Unti unti nang nabubuo ang kuwento. Salamat sa Diyos! #project365 #igersphilippines #igersasia #blackandwhiteigers #blackandwhitestreetphotography #bnw_philippines #world_bnw #bnwstreetphoto #phonephotography #mobilephotography #streetphotography #streets_storytelling #LensOnStreets #mystiquephotos #darkroom_daydream #litratongpinoy #kantography #KwentongKalyePH #tuklas_pinasitimatputi #tuklas_kalyepinas #peopleinframe #bipolardisorder #humansandstreetsofthephilippines #snapseedph #snapseedbnw #UntwineMePh #positive #umbrellaplanet #binatangpinoy #bagets Read more post at: www.thebookofdyuson.wordpress.com *************************************** dpy2018™

Share 180 2

Day 175 - Snacks and Ladders Bago mag alas kuwartro ng hapon ay nag punta kami sa Snacks and Ladders sa Maginhawa Street. Umorder kami nang Nachos, Pasta Tinapa, and Buffalo Wings! Bukod sa napakarami nang servings ay masarap din naman ang foods nila! Panalo din yung place. Nakaka aliw! Pinaka favorite ko yung Nachos kasi sagana sa giniling! Ang dami rin ng kamatis at sibuyas! Na enjoy ko rin ng husto yung Pasta Tinapa kasi ang dami ring mga sahog! Lasang lasa ko yung smoked fish! Ang lakas maka pa-alala nang Salinas Rosario Cavite! Medyo sad lang yung Buffalo Wings kasi napaka ordinario ng lasa. Walang pinagka iba dun sa nabibili sa "All Pasta slash Ukay Ukay" na malapit sa SaveMore P. Tuazon. Medyo kulang din sa anghang at medyo matigas din yung pagkakaluto. #project365 #igersphilippines #igersasia #blackandwhiteigers #blackandwhitestreetphotography #bnw_philippines #world_bnw #bnwstreetphoto #phonephotography #mobilephotography #streetphotography #streets_storytelling #LensOnStreets #mystiquephotos #darkroom_daydream #litratongpinoy #kantography #KwentongKalyePH #tuklas_pinasitimatputi #tuklas_kalyepinas #9pmhabit #peopleinframe #bipolardisorder #humansandstreetsofthephilippines #snapseedph #snapseedbnw #UntwineMePh #positive #snacksandladders #chess Read more post at: www.thebookofdyuson.wordpress.com *************************************** dpy2018™

Share 183 2

Day 158 - I am going home Ito na ang panahon. Ako ay uuwi na. Tapos na ang kuwentuhan. Hindi ko alam kung ako ay makakabalik pa bukas o sa susunod na araw. May mahinang tinig sa likod nang aking isip ang bumubulong ng: "Sana." Pero mas malakas ang boses nang batang matagal nang nasasaktan ang nagsasabing: "Paalam na." . Hindi ko na iisa isahin pa. Ilang ulit ko na rin namang nailahad dati. Huli na para balikan pa ang mga kabanata. Kung sakali man ay wala na rin namang magagawa, wala na rin namang mababago. Sinira na nila ang aking katinuan. Puro latay na ang aking puso. Pagod na rin ang aking katawan. Panahon na upang makapag pahinga. Oras na para matulog ng matagal. Ang huling mga tagubilin ko na lang ay huwag na patagalin. Tama na ang isang araw. Ibalik sa dagat ang pinagmulan. Nasa kahong kulay pula ang buong istorya. Para sa mga magulang, mahalin ninyo ang inyong mga anak. Para sa mga kaibigan, ipagpatuloy ang pakikinig. Para sa lahat, matuto na kayo sa aking mga pinagdaanan. Huwag na ninyo ulitin pa ang aking mga pagkakamali. Mauuna na ako. Salamat at Paalam. #project365 #igersphilippines #igersasia #blackandwhiteigers #blackandwhitestreetphotography #bnw_philippines #world_bnw #bnwstreetphoto #phonephotography #mobilephotography #streetphotography #streets_storytelling #LensOnStreets #mystiquephotos #darkroom_daydream #litratongpinoy #KwentongKalyePH #tuklas_pinasitimatputi #tuklas_kalyepinas #peopleinframe #bipolardisorder #humansandstreetsofthephilippines #snapseedph #snapseedbnw #UntwineMePh #suicidenote #depression #bicycle #shadow #lamppost Read more post at: www.thebookofdyuson.wordpress.com *************************************** dpy2018™

Share 173 1

Day 157 - The Guitarist Nagtungo ako muli ruon. Abala sina Dexter at Prince sa pagpipintura nang bakal na nakahulma. Umupo ako saglit upang magpahinga. Ilang minuto pa ay may nakita akong parating. Nakabisikleta at may dalang gitara. Umupo siya sa tapat nang aking kinakapuwestuhan. Maingat niyang inilapag ang bag na kanina ay nakasukbit sa kanyang balikat. Nang maging komportable na ay nagsimula na siyang tumipa! Naaliw ako sa mga tinutugtog niyang himig. Hindi ako umimik. Nakinig lang ako mabuti. Gusto ko sana humiling ngunit duda ako kung alam niya ang kantang nais ko. Hindi kasi pangkaraniwan minsan ang mga awiting aking kinagigiliwan. Pero malay ko ba? Baka naman hinahamak ko lang siya. Alam kaya niya ang: Nearer my God to Thee? May chansa na baka! Lalo na at tinugtog nga niya ang isa sa mga paborito kong kanta! Sa kalagitnaan nang pagtipa niya sa: True Colors ay tumayo ako. Naglakad ako palayo. Hindi ko na tinapos ang kanyang pagtugtog. Nagsisimula na kasing dumilim. Naririnig ko na ang dagungdong ng kulog. Paparating na ang ulan. Nalalanghap ko na ito sa simoy nang hangin. Kailangan kong makarating sa bahay bago pa bumuhos ang luha ng mahabaging langit! #project365 #igersphilippines #igersasia #blackandwhiteigers #blackandwhitestreetphotography #bnw_philippines #world_bnw #bnwstreetphoto #phonephotography #mobilephotography #streetphotography #streets_storytelling #LensOnStreets #mystiquephotos #darkroom_daydream #litratongpinoy #kantography #KwentongKalyePH #tuklas_pinasitimatputi #tuklas_kalyepinas #9pmhabit #peopleinframe #bipolardisorder #humansandstreetsofthephilippines #snapseedph #snapseedbnw #UntwineMePh #positive #guitar #bicycle Read more post at: www.thebookofdyuson.wordpress.com *************************************** dpy2018™

Share 183 0

Day 156 - Bright lights Umahon kami ni The Miss Angelica sa pool nang magbalikan na para sa kanilang OT ang mga Construction Workers sa ginagawang building na malapit sa kung saan kami naruon. Bumaba naman kami mula sa Penthouse after namin makunan nang larawan ang mga gusaling mas naging nakaka aliw pagmasdan dahil sa mga maliwanang na ilaw! Pagbalik sa unit ni The Miss Angelica ay dumiretso na ako kaagad sa banyo para mag banlaw. Wala pang sampung minuto ay nakabihis na rin ako at nakadungaw na sa bintana! Nagsimula nanamang maglakbay ang aking diwa. Katulad ng mga maliwanag na ilaw na wari'y sumasayaw sa aking mga mata ay tila pansamantalang nagliwanag din ang aking mga katuwiran. Nag-alab ng bahagya ang napupundi nang pag asa! Maliwanag na ilaw din ang bumungad sa amin pagpasok sa Venice Grand Canal Mall. Tulad nang inaasahan ay umaatikabong photoshoot nanaman ang naganap! Afterwards ay tumingin tingin naman kami nang kandila, relo, chocolates, at crystals! Nagtapos ang araw namin ni The Miss Angelica na namumuwalan at pilit na inuubos ang hapunang Pizza at Chicken Wings! #project365 #igersphilippines #igersasia #blackandwhiteigers #blackandwhitestreetphotography #bnw_philippines #world_bnw #bnwstreetphoto #phonephotography #mobilephotography #streetphotography #streets_storytelling #LensOnStreets #mystiquephotos #darkroom_daydream #litratongpinoy #kantography #KwentongKalyePH #tuklas_pinasitimatputi #tuklas_kalyepinas #9pmhabit #peopleinframe #bipolardisorder #humansandstreetsofthephilippines #snapseedph #snapseedbnw #UntwineMePh #positive #reflection #venicegrandcanalmall . Read more post at: www.thebookofdyuson.wordpress.com *************************************** dpy2018™

Share 187 6

Day 155 - Once every few minutes Minsan kada ilang minuto ay tine-text ko si The Miss Angelica. Ipinapa-alam ko sa kanya kung nasaan na ang eksakto kong lokasyon. Kung hindi reply sa text ay tumatawag naman siya bilang tugon. Nagpatuloy ang ganitong palitan nang mensahe hanggang sa makababa na ako sa McKinley kung saan siya naman ay naka abang na! Ilang minutong lakad lang mula sa aking binabaan ay inakyat naman namin ang 22nd floor nang Morgan Suites kung saan nakatira si The Miss Angelica! Duon ay nakahain na ang napaka sarap na Spaghetti! Hindi na ako nag patumpik tumpik pa! Umatake na ako kaagad! Walang kurap! Walang hingahan! Minsan kada ilang minuto ay nahihirinan ako kaya kailangan kong tumitigil para maka inom naman nang tubig! Nang masimot ko na ang lampas isang bandehadong Spaghetti ay umakyat na kami sa Penthouse! Agad kong kinunan ng larawan ang magagandang tanawin sa paligid! At nang makuntento na ako sa mga nakunan kong litrato ay lumubob na kami sa pool! Ang sarap magbabad sa tubig! Minsan kada ilang minuto ay may dumaraang eroplano sa himpapawid. Napapatingala kami ni The Miss Angelica! Muli naming napag usapan ang pagpunta sa Batanes! . #project365 #igersphilippines #igersasia #blackandwhiteigers #blackandwhitestreetphotography #bnw_philippines #world_bnw #bnwstreetphoto #phonephotography #mobilephotography #streetphotography #streets_storytelling #LensOnStreets #mystiquephotos #darkroom_daydream #litratongpinoy #kantography #KwentongKalyePH #tuklas_pinasitimatputi #tuklas_kalyepinas #9pmhabit #peopleinframe #bipolardisorder #humansandstreetsofthephilippines #snapseedph #snapseedbnw #UntwineMePh #positive #cloudporn #airplane Read more post at: www.thebookofdyuson.wordpress.com *************************************** dpy2018™

Share 171 0

Day 154 - Northbound Sa kalagitnaan ng panonood ko nang huling tapatan sa Tawag ng Tanghalan ay biglang nag ring ang aking phone. Lumabas ako ng bahay upang ito ay sagutin! Si The Miss Angelica ang nasa kabilang linya. Iniimbitahan niya ako na bumisita sa kanilang tahanan sapagkat nagluto raw siya ng Spaghetti! Hindi na ako nagdalawang isip pa! Agad akong naligo at nagbasta! Hindi ko na hinintay ang pag anunsiyo nang kung sino na ang mga pasok sa Top 3! Mas mahalaga ang Spaghetti ni The Miss Angelica! Besides, malalaman at malalaman ko rin naman sa FB, YouTube or iWantTV ang resulta nang patimpalak sa kantahan! Matindi ang traffic papuntang Cubao! Inabot ako nang lagpas bente minuto! Halos tumirik mata ko sa pagkabagot! Madali naman akong nakasakay nang tren sa MRT3! Ngunit nang malapit na kami sa Guadalupe station ay tumirik naman ang mga bagon! May nag announce sa PA system na maghintay lang daw saglit. Lumipas pa ang sampung minuto bago kami umandar muli. Ilang saglit pa ay nakatayo na ako sa footbridge overlooking this part of EDSA Guadalupe going Northbound! #project365 #igersphilippines #igersasia #blackandwhiteigers #blackandwhitestreetphotography #bnw_philippines #world_bnw #bnwstreetphoto #phonephotography #mobilephotography #streetphotography #streets_storytelling #LensOnStreets #mystiquephotos #darkroom_daydream #litratongpinoy #kantography #kalyegraphy #KwentongKalyePH #tuklas_pinasitimatputi #tuklas_kalyepinas #peopleinframe #bipolardisorder #humansandstreetsofthephilippines #snapseedbnw #UntwineMePh #positive #edsaguadalupe #mrtguadalupe #edsa2018 Read more post at: www.thebookofdyuson.wordpress.com *************************************** dpy2018™

Share 195 2

Day 151 - The closest that I could get to a sunset Bukod kasi sa nirekomenda nang Doktor, na bisita nila Aling Camille at Aling Suzie kagabi, ang paminsan minsang pagmamasid daw sa paglubog ng araw ay nainspire din talaga ako sa mga sunset photos na nakikita ko sa Instagram lately! Kaya naman ito na nga at isang larawan nang takipsilim ang aking featured photo today! Actually, this is the closest that I could get to a sunset! From where I live kasi, the moment na lumampas yung araw sa bubong nung mataas na bahay ay wala na akong totoong sunset na makikita pa! Kaya make do na lang talaga ako sa kung ano ang mayroon! Mahirap yung panay ang hanap sa kung ano ang wala at walang humpay ang pag hahangad sa hindi naman ipinagkaloob! Makuntento na lang kumbaga! Anyway, dumiretso ako sa Simbahan pagkatapos ko makunan ang larawang ito. Kinausap ko ang Panginoon. Sinabi ko sa kanya ang tunay kong mga balak. I know na alam naman Niya ang mga iyon. Humingi ako nang tawad at ipinagpaubaya na sa kanya ang lahat. Siya na ang bahala! Ayoko nang mag alala! Ngingiti na lang muna ako, aabangan ang pagpasok nang Junio, at aasa na magkaruon nga ako nang sapat na lakas para matuloy ang lakad namin ni Jigz sa Lunes! #project365 #igersphilippines #igersasia #blackandwhiteigers #blackandwhitestreetphotography #bnw_philippines #world_bnw #bnwstreetphoto #phonephotography #mobilephotography #streetphotography #streets_storytelling #LensOnStreets #mystiquephotos #darkroom_daydream #litratongpinoy #kantography #kalyegraphy #KwentongKalyePH #tuklas_pinasitimatputi #tuklas_kalyepinas #peopleinframe #bipolardisorder #humansandstreetsofthephilippines #snapseedbnw #UntwineMePh #positive #sunset #cloudporn #silhoutte Read more post at: www.thebookofdyuson.wordpress.com *************************************** dpy2018™

Share 165 0

Day 150 - Swimming Pagkatapos i-anunsyo na pasok na sa Grand Finals nang Tawag ng Tanghalan si Anton Antenorcruz at laglag naman si Makoto Inoue ay lumabas muna ako saglit. Pakiramdam ko kasi ay kailangan ko nang makalanghap ng hanging kalye! Mula umaga kasi ay puro artificial air na lang na nanggagaling sa maalikabok na electric fan ang aking sinisinghot! Naabutan ko sa labas ang tatlong batang ito! Masaya silang nag su-swimming sa batya! Huling hirit sa tag-init ang peg nila! Sabi nung batang babae na naka suot nang puting sando ay mga sirena raw sila. Sumangayon naman yung batang babae na naka polka dots at idinagdag na kulay ginto raw ang kanilang mga buntot. Basag trip naman yung batang lalaki kasi sabi niya: "Kapag hindi pa kayo tumayo diyan pagtitinginan na kayo mamaya ng mga lalaki!" Aba at may malisya pa! Hindi ko na narinig pa kung ano ang naging tugon nung dalawang batang babae sa sinabi nung batang lalaki! Nagsimula nanaman kasing mag lakbay ang aking isip! Bumalik ang aking diwa sa panahon nang aking pagkabata! Pinilit kong alalahanin kung naranasan ko rin ba ang mag swimming sa batya. Parang hindi! Wala akong matandaan. Pero naaalala kong madalas naman akong nasa tabing dagat noon! Mas malawak ang aking nilalanguyan! Ito yung panahong nakatira pa kami sa Baranggay Kanluran Capipiza, Tanza Cavite! #project365 #igersphilippines #igersasia #blackandwhiteigers #blackandwhitestreetphotography #bnw_philippines #world_bnw #bnwstreetphoto #phonephotography #mobilephotography #streetphotography #streets_storytelling #LensOnStreets #mystiquephotos #darkroom_daydream #litratongpinoy #kantography #kalyegraphy #KwentongKalyePH #tuklas_pinasitimatputi #tuklas_kalyepinas #peopleinframe #bipolardisorder #humansandstreetsofthephilippines #snapseedph #snapseedbnw #UntwineMePh #positive #moodswing #filipinochildren Read more post at: www.thebookofdyuson.wordpress.com *************************************** dpy2018™

Share 191 9

Day 149 - In my next life Kung mayroon isang bagay akong nasisiguro, iyon ay ang mabibigyan ako nang pagkakataong mabuhay muli kapag natapos ko nang gampanan ang karakter ko sa kasalukuyan! I know that I will be given the chance to live again! And in my next life, I am very sure that I will have a child. I will be a father! Sa buhay na iyon, bilang isang ama, pagsisikapan kong mabigyan nang magandang kinabukasan ang aking magiging anak! Hindi ko hahayaan ang sino man na wasakin ang kanyang kamusmusan. Pro-protektahan ko siya laban sa mga mapagsamatala! Palalakihin ko siyang may tiwala sa sarili. Ituturo ko sa kanya ang kahalagahan nang pakikipagkaibigan. Araw araw kong ipadarama sa kanya kung gaano ko siya kamahal upang sa ganun ay hindi rin siya magiging maramot na magbigay nang pag ibig sa kanyang kapwa! I will encourage my child to be the best in whatever field he chooses. Tatanggapin ko nang walang reserbasyon ang buo niyang pagkatao! Ipagdiriwang ko ang lahat nang kanyang tagumpay! Ibabangon ko siya kapag siya ay nadapa! Uunawain ko siya kapag siya ay nagkamali Sisiguraduhin kong ako ay nasa kanyang tabi sa tuwing siya ay natatakot. Palalakasin ko ang kanyang loob kapag nawawalan na siya ng pag asa! At magiging kakampi niya ako kapag ang buong mundo ay tinalikuran na siya! #project365 #igersphilippines #igersasia #blackandwhiteigers #blackandwhitestreetphotography #bnw_philippines #world_bnw #bnwstreetphoto #phonephotography #mobilephotography #streetphotography #streets_storytelling #LensOnStreets #mystiquephotos #darkroom_daydream #litratongpinoy #kantography #kalyegraphy #KwentongKalyePH #tuklas_pinasitimatputi #tuklas_kalyepinas #peopleinframe #bipolardisorder #humansandstreetsofthephilippines #snapseedph #snapseedbnw #UntwineMePh #positive #depression #moodswing Read more post at: www.thebookofdyuson.wordpress.com *************************************** dpy2018™

Share 181 6

Day 148 - Five O Two Ayon sa Weather Live, 5:02 PM daw magsisimula at 5:11 PM naman daw matatapos ang Blue Hour today. Alas kuwatro palang ay naka abang na ako. Matagal pa ang aking paghihintay. So while waiting, inaliw ko muna ang aking sarili sa panonood nang mga tao sa aking paligid. Napansin ko ang batang ito na nag eensayo mag skateboard. Kinunan ko siya ng larawan! Ilang saglit pa ay naglakad lakad ako. Mainit ang panahon. Gusto kong umupo kaya lang ay hindi naman ako mapakali! Naiinip ako! Walang gaanong ganap! Ang tagal mag 5:02! Kung tutuusin ay wala pa naman talagang kalahating oras akong nag aabang pero bored na bored na ako! Parang umaapoy ang aking mga binti! Gustong maglakad nang aking mga paa! Ang bagal bumaba nang araw! Kung kaya ko nga lang talaga kalawitin pababa ang araw ay gagawin ko na! Ang ending? Hindi ako nakapaghintay! Kinse minuto bago mag 5:02 ay umalis na ako! I don't have that much patience! Gusto ko kasi parating ahead of time. Pati ang araw ay inaasahan kong makisama! Mali? Mukha! Parang baliw lang? Ganun talaga! Oo nga pala, minuto lang ang pagitan nang bawat pag duyan, sa wakas ay bukas na ang Mamihan ni Mang Pol, at kumain ako nang Mango Cheesecake habang pinapanuod si Reggie Tortugo kanina! #project365 #igersphilippines #igersasia #blackandwhiteigers #blackandwhitestreetphotography #bnw_philippines #world_bnw #bnwstreetphoto #phonephotography #mobilephotography #streetphotography #streets_storytelling #LensOnStreets #mystiquephotos #darkroom_daydream #litratongpinoy #kantography #kalyegraphy #KwentongKalyePH #tuklas_pinasitimatputi #tuklas_kalyepinas #peopleinframe #bipolardisorder #humansandstreetsofthephilippines #snapseedph #snapseedbnw #UntwineMePh #positive #moodswing #skaterboy Read more post at: www.thebookofdyuson.wordpress.com *************************************** dpy2018™

Share 152 3

Day 147 - A Marian Devotee preparing Our Lady of the Miraculous Medal for a procession Sa gilid nang parke ay may isang debotong abalang inihahanda si Our Lady of the Miraculous Medal para sa isang prosisyon. Sa palaruan naman ay naruon ang mga batang masayang naglalaro sa slide, see saw, at swing. Present din ang mga Skater Boys, Volleybelles, at mga Basketbolista sa kani-kanilang court! Nag ikot ikot ako. Dahan dahan ang aking pag lakad. Maingat ang aking pag galaw. I took my time. Hindi ako nag madali. Pinakinggan ko ang tawa nang mga bata. Pinagmasdan ko ang bawat kilos nang madla. Natuwa naman ako sa aking mga narinig at nakita. Kaya naman kahit na may kainitan pa ay pinilit kong manatili. Hindi naman kasi parati ang katulad na pagkakataon. Sa kalagitnaan nang aking pagmamasid ay may bigla akong naramdaman. Hindi pangkaraniwan. Nagsimula na! Ito na ba ang hudyat? Ganito ba ang pakiramdam? Maaaring may mas matindi pa. Pero sige lang! Ang totoo ay hindi naman kasi ako natatakot. Handa naman ako miski anong oras. Sana lang talaga ay mabilis. Ayoko nang maka abala. Ayoko nang makaistorbo pa. Kung tapos ay tapos na. #igersphilippines #igersasia #blackandwhiteigers #blackandwhitestreetphotography #bnw_philippines #world_bnw #bnwstreetphoto #phonephotography #mobilephotography #streetphotography #streets_storytelling #LensOnStreets #mystiquephotos #darkroom_daydream #litratongpinoy #kantography #kalyegraphy #KwentongKalyePH #tuklas_pinasitimatputi #tuklas_kalyepinas #peopleinframe #bipolardisorder #humansandstreetsofthephilippines #snapseedph #snapseedbnw #UntwineMePh #positive #mariandevotion #ourladyofthemiraculousmedal #depression Read more post at: www.thebookofdyuson.wordpress.com *************************************** dpy2018™

Share 146 2
Advertisement
(adsbygoogle = window.adsbygoogle || []).push({});