(adsbygoogle = window.adsbygoogle || []).push({});

Heart to heart talk Ang akala kong tunay ay kabaligtaran pala. Hindi totoo na walang naka intindi sa aking mga pinagdaraanan. Somewhere in the middle of the convo, people were trying to reach out. Friends where offering help. Lahat halos sila ay nakikiramay, binibigyan ako ng lakas ng loob. Pero, hindi ko iyon napansin. Hindi ko nabasa. Maybe I was so hurt that time kaya naging sarado ang aking isip. Pati puso ko ay kinandado ko na rin. Anong mga aral ang aking natutunan? Marami! Sa gitna pala ng unos ay dapat maghinayhinay, huwag padalos dalos, buksan ang isipan, ilantad ang puso, makinig sa mga taong tunay na nagmamalasakit, ibaba ang pride, tumanggap ng tulong, tanggapin ang pagkatalo, bumangon sa pagkakalugmok, magtiwala, magpatawad, muling manalig, muling mangarap, muling magmahal. Hindi option ang manatili na lamang sa pinagkadapaan. May mga taong handang tumulong. Lalo na kung handa ka rin tumanggap ng ayuda! At dahil sa aking nadiskubre kabagi, isa isa kong pinadalhan nang mensahe silang mga nagpahayag ng pagdamay, silang nagmalasakit, silang aking pilit na kaligtaan. Masuwerte naman ako at miski tatlong taon na ang nakakalipas ay hindi parin nila ako nakalimutan, miski pa iba na ang ginagamit kong pangalan. Nagkalinawan na kami. Sa ilang palitan lamang ng mensahe ay nagkaunawaan na kaming lahat. Siguro, panahon na rin upang kami naman nung taong naging dahilan ng aking di masukat na lumbay ang siyang mag usap! Handa na ako para sa isang puso sa pusong usapan, handa na ako para sa pagpapatawad, handa na ako para sa bagong kabanata! #igersphilippines #igersasia #blackandwhiteigers #blackandwhitestreetphotography #bnw_philippines #world_bnw #bnwstreetphoto #phonephotography #mobilephotography #streetphotography #streets_storytelling #LensOnStreets #mystiquephotos #darkroom_daydream #litratongpinoy #kantography #KwentongKalyePH #tuklas_pinasitimatputi #tuklas_kalyepinas #friendsinbnw #peopleinframe #bipolardisorder #mobile_photographer__ #snapseedph #snapseedbnw #UntwineMePh #positive #shadow #silhouette #hearttohearttalk Read more post at: www.thebookofdyuson.wordpress.com *************************************** dpy2019™

Share 93 2

The Oasis Naabutan kong bukas para sa madla ang The Oasis sa Gateway Mall pagdaan ko ruon kanina. May mag ina at dalawang madre sa loob na abala sa pagkuha ng larawan nang ako ay mapasilip. Hindi pang karaniwan ang ganitong tagpo. Madalas kasi ay sarado ito at hindi pinapapasukan sa mga tao. Bilang at pili rin lang ang mga pinapayagang pumasok duon. Mga kandidata ng Bb. Pilipinas o di naman kaya ay yung mga may kuwalta lamang ang tila may karapatang tumungtong sa nasabing lugar. Anyway, may katagalan din bago ako muling nakapagsulat. Aaminin kong panatag kasi ang aking kalooban at isipan sa kasalukuyan. Wala gaanong bumabagabag sa aking puso at diwa. Hindi ko sinasabing perpekto na ang lahat sapagkat ang totoo ay may sa dalawang beses din akong nakaramdam ng rejection recently. Nag mula ang di pagpapahalaga sa ilang mga taong tila may matayog na pamatayan sa pakikipagkapwa, ngunit tulad ng dati ay pinili kong ipagsalawang bahala na lamang ito. Hindi ko na ipinilit pa ang aking presensiya. Mas kinapitan ko na lamang ang pag papatawad. Mas nilawakan ko na lamang ang pag unawa. Malaking bagay din talaga na miski papaano ay may isang lugar akong natatakbuhan kapag nakakaramdam na ako ng hapis. Isang lugar kung saan tanggap ang lahat ng aking kapalpakan. Isang lugar kung saan hindi binibilang ang aking pagkukulang. Isang lugar kung saan maaaring magkamali. Isang lugar kung saan napapawi ang aking uhaw, naiibsan ang aking pagod, kumakalma ang aking damdamin at napapanatag ang aking isip. #igersphilippines #igersasia #blackandwhiteigers #blackandwhitestreetphotography #bnw_philippines #world_bnw #bnwstreetphoto #phonephotography #mobilephotography #streetphotography #streets_storytelling #LensOnStreets #mystiquephotos #darkroom_daydream #litratongpinoy #kantography #KwentongKalyePH #tuklas_pinasitimatputi #tuklas_kalyepinas #friendsinbnw #peopleinframe #bipolardisorder #mobile_photographer__ #snapseedph #snapseedbnw #UntwineMePh #positive #oasis #gatewaymall #aranetacenter Read more post at: www.thebookofdyuson.wordpress.com *************************************** dpy2019™

Share 84 2

Irrational Fear Nananghalian kami ni Honey sa UP Town Center kahapon. First time ulit naming magkita makalipas ang matagal na panahon. Naging masaya naman ang aming lunch date sapagkat marami kaming napagkuwentuhan. Kabilang na rito ang update sa kanya kanya naming buhay pag ibig, estado ng kalusugan, bagong trabaho, at ang agimat na dala ng pangmalakasang power card! Bago pa mag alas tres ng tanghali ay tinatahak ko na muli ang makasaysayang Pansol Foot Bridge. Pauwi na ako sa bahay. Hindi ko alam kung kailan kami muli magtatagpo ni Honey. Maaaring sa susunod na linggo. Puwede rin namang pagkatapos ng ilang buwan. O di naman kaya ay makalipas ang ilang taon. . Kung ano't ano man ay hindi na malaking usapin pa ang tagal ng oras. Ang mahalaga, kami'y nagkakaunawaan. May magkaparehas kasi kaming landas na tinahak. Hindi man kami madalas mag kita o mag usap, alam kong mayroong makaka intindi sa akin kapag dumating ang araw na ako'y muling pagsakluban ng walang batayang pangamba. #igersphilippines #igersasia #blackandwhiteigers #blackandwhitestreetphotography #bnw_philippines #world_bnw #bnwstreetphoto #phonephotography #mobilephotography #streetphotography #streets_storytelling #LensOnStreets #mystiquephotos #darkroom_daydream #litratongpinoy #kantography #KwentongKalyePH #tuklas_pinasitimatputi #tuklas_kalyepinas #friendsinbnw #peopleinframe #bipolardisorder #mobile_photographer__ #snapseedph #snapseedbnw #UntwineMePh #positive #silhouette #umbrella #uptowncenter Read more post at: www.thebookofdyuson.wordpress.com *************************************** dpy2019™

Share 155 4
Advertisement
(adsbygoogle = window.adsbygoogle || []).push({});

Back to where it ended Nakatanggap ako ng isang tawag mula sa paaralan kung saan ako pumirma nang dalawang taong paglilingkod. Ayon kay Miss Hyde, kailangan ko na raw mag report sa darating na Miyerkules. Bale, mapapa-aga ito ng isang linggo kung ikukumpara sa unang napagkasunduan. Tinanggap ko naman ng buong puso ang bagong hamon. At dahil nga mapapa-aga ang aking pag pasok ay nag kumahog tuloy ako sa pag a-accomplish ng aking mga requirements. Una kong inasikaso kaninang umaga ay ang aking pagpapa-medical. Hindi naman ako nahirapan sapagkat tinulungan naman ako ni Miss Dahlia. Kailangan ko lamang bumalik muli bukas para sa ikalawang bahagi ng eksaminasyon. Matindi ang aking panalangin na sana ay malampasan ko ang bahaging ito. Nang matapos ako sa klinika ay nagtungo naman ako sa Roosevelt College Marikina. Kailangan ko kasi humingi ng Teatro Certification mula kay Miss Racquel. First time kong nakabalik sa nasabing paaralan makalipas ang 11 years and 3 months. Nakaramdam ako ng matinding nostalgia pagtungtong ko sa loob. I could not believe that I was back to where it ended. #igersphilippines #igersasia #blackandwhiteigers #blackandwhitestreetphotography #bnw_philippines #world_bnw #bnwstreetphoto #phonephotography #mobilephotography #streetphotography #streets_storytelling #LensOnStreets #mystiquephotos #darkroom_daydream #litratongpinoy #kantography #KwentongKalyePH #tuklas_pinasitimatputi #tuklas_kalyepinas #friendsinbnw #peopleinframe #bipolardisorder #mobile_photographer__ #snapseedph #snapseedbnw #UntwineMePh #positive #rooseveltcollegemarikina #marikinacity Read more post at: www.thebookofdyuson.wordpress.com *************************************** dpy2019™

Share 155 11

The greatest gift anyone can give to another is the desire to know, to understand. ~Louis L'amour in 'Education of a Wandering Man'. . . . . . . . #bnwgoals #bnw_captures #bnwphotography #bnw #snapseed #snapseedaily #snapseedbnw #snapseedmob #nomadness #uttarakhand #pahadi #pahadi_corner #himalaya #himalayas #highonhimalayas #nikon #nikond5100 #reminiscing #shadesofsky #50shadesofgrey #louislamour #gangotri #gaumukh #chowkidar

Share 31 2

Jamali-Kamali tomb. Mehrauli Archaeological Park, near Qutab Minar, Delhi. . Great saint and poet Sheik Hamid Fazlu'llah also known as Jamali, adorned the courts of Sikander Lodhi, Babur and Humayun. This tomb was constructed during the Mughal era. It sports the first Jharoka of Mughal Architecture. Jharoka is the protrusion above a door or a window. Adds beauty, provides shade, provides for other facilities. . . . . . . . . . #bnw_captures #bnwphotography #bnw #snapseed #snapseedaily #snapseedbnw #snapseedmob #mobilephotography #phonecamera #mughal #mughalarchitecture #tomb #islamicarchitecture #delhi #heritagewalk

Share 37 7
dvaish_nav. You feel like writing zhit, when people respond to the zhit you write.

You feel like writing zhit, when people respond to the zhit you write. So, hashtag nozhit for this. Enjoy the picture. . Kau Ban Mosque through a Jaali hole. . . . . . . . #bnw #bnw_captures #bnwphotography #snapseed #snapseedaily #snapseedbnw #tajmahal #agra #wondersoftheworld #7wondersoftheworld #phonecamera #mobilephotography

Share 27 0

Shot on mobile, sitting in the luggage compartment of an auto. . Red sandstone palace and dried orange hued trees- both drenched in the golden Ray's of the evening sky. Rajasthan for you!! That being said, I was very skeptical about posting a #blacknwhite version and robbing the picture off it's Rajasthani glory. So I've posted both. . In real colors, a picture does looks real. But BnW speaks out loud. It screams out to tell us it's story. Making it easier for us. . Location: Chittorgarh Fort. One of the 6 hill forts declared UNESCO World Heritage Site. . . . . . . . . #unesco #unescoworldheritage #chittorgarh #chittorgarhfort #rangeelarajasthan #rajasthan #travelgram #instastories #indiagram #bnw #bnwphotography #snapseededit #snapseedmob #snapseed #snapseedaily #snapseedbnw

Share 37 0

Wishing us all, Democracy!!! . . This is a sturdy mat-forming shrub, surviving at great heights. Goes by the name: Rockspray Cotoneaster. Found in the upper reaches of homeless. This was shot in Gangotri National Park. . . . . . . . #BnW #BJP #bnwgoals #bnwsnapseed #snapseed #snapseedmob #snapseededit #snapseedbnw #uttarakhand #devbhoomi #devbhoomiuttarakhand #gaumukh #gaumukhtrek #gangotri #gangotrinationalpark

Share 19 0

“A ship in harbor is safe — but that is not what ships are built for.” — John A. Shedd. . Shot on mobile at a ship building site at Mandvi, Gujarat. The size of some of these, was awe inspiring. . . . . . . . . . . #BnW #bnwgoals #bnwmood #snapseed #snapseedmob #snapseedbnw #ships #ocean #quotes #quotesdaily #quotography #quotesaboutlife #mobileclick #phonecam #gujarat #gujarattourism

Share 20 1

If you feel lost, return to who you are and you will discover yourself It is finally happening this year! Matagal ko itong inasam. Matagal akong naghintay ng tamang pagkakataon. Ang inakala kong impossible na ay maaari pa pala. Ang lahat ng mga alinlangan ko ay naglaho na. Wala ng puwang ang duda. Wala ng silbi pa ang pangamba. Yes, I got lost. But now I am found! I am back! And this time it's for real. Pumirma na ako ng kontrata. Para sa dalawang taong pananatili. Buong puso kong tinanggap ang alok nila sapagkat alam kong kami ay magkakaisa. Ang pagpapahalaga nila sa sining ng pagtatanghal ay ang siyang aking pinagbasehan. Pagkakaingatan ko ang ipinagkaloob nila. Malaki ang pasalamat ko sa kanilang tiwala. Panahon na upang muling bumangon sa kung saan ako nadapa. Panahon na upang muling magsimula sa kung saan ako nagtapos. Panahon na upang balikan ang entabladong minsan kong nilisan. Panahon na upang muling magbahagi. Panahon na upang makilala ko muli ang aking sarili. Ako ay isang guro! And this is where the magic begins! #igersphilippines #igersasia #blackandwhiteigers #blackandwhitestreetphotography #bnw_philippines #world_bnw #bnwstreetphoto #phonephotography #mobilephotography #streetphotography #streets_storytelling #LensOnStreets #mystiquephotos #darkroom_daydream #litratongpinoy #kantography #KwentongKalyePH #tuklas_pinasitimatputi #tuklas_kalyepinas #friendsinbnw #peopleinframe #bipolardisorder #mobile_photographer__ #snapseedph #snapseedbnw #UntwineMePh #positive #buhayguro #shadow #titser Read more post at: www.thebookofdyuson.wordpress.com *************************************** dpy2019™

Share 160 6
snapspeedart. The cat looking at mouse

The cat looking at mouse

Share 297 5

Just focus on the bright side of life Sa hindi ko na mabilang na pagkakataon ay muli niya akong ipinahamak. Sa kabila nang aking pag aalinlangan ay pumasok ako sa isang kasunduan. Nagtiwala ako sapagkat nagbitaw siya ng salitang siya ay aagapay. Ngunit, tulad ng dati ay iniwan niya ako sa kasagsagan ng digmaan! Bigla na lamang siyang naglaho. Walang paramdam. Hindi mahagilap! Ngunit miski na wala siya ay itinuloy ko pa rin ang aking inumpisahan. Ako ay nanalangin at nagtiwala na lamang. At hindi naman ako nagkamali. Marahil ay nakamasid nga rin ang Panginoon sa simula't sapul. Bago pa ako maubusan ng bala ay may sumalo naman sa akin. Inako nang iba ang dapat sana ay sa kanya. Pinulot kung saan iniwan. Hanggang sa naipanalo ko na bandang huli ang laban! Sa pagkakataong ito ay sinusuko ko na ang aming ugnayan. Tama na! Hindi na mainam. At ano ang aking natutunan sa kabanatang ito? Iyon ay ang hindi masamang bumitiw. May mga tao kasi talagang darating sa iyong buhay para lamang dustain ang iyong pagkatao at paglaruan ang iyong pangarap. Hindi tama na patuloy silang kapitan. Sa isang punto ay kailangan na ring umalpas at ibaling na lamang ang paningin sa mas maliwanag na bahagi ng buhay! #igersphilippines #igersasia #blackandwhiteigers #blackandwhitestreetphotography #bnw_philippines #world_bnw #bnwstreetphoto #phonephotography #mobilephotography #streetphotography #streets_storytelling #LensOnStreets #mystiquephotos #darkroom_daydream #litratongpinoy #kantography #KwentongKalyePH #tuklas_pinasitimatputi #tuklas_kalyepinas #friendsinbnw #peopleinframe #bipolardisorder #mobile_photographer__ #snapseedph #snapseedbnw #UntwineMePh #positive #livingapositivelife #silhoutte #shadow Read more post at: www.thebookofdyuson.wordpress.com *************************************** dpy2019™

Share 157 0

A certain degree of uncertainty Natuwa naman ako sa ipinakitang cooperation ng Grade 11 at Grade 7 nuong ipina-describe ko sa kanila sina Catriona, Grace, at Alyssa. Mas lalo akong nagalak nang bukas puso akong tinanggap ni Dr. Chan. Napuno nang saya ang aking puso sa gintong kadena. Sa wakas, magaganap na ang matagal ko nang pinapangarap! Kaya lamang ay kailangan ko pang magbilang nang ilan bago ang simula. Kailangan ko ring magkaroon muna upang may makamtan. Ang totoo, sa kabila nang tiwala ay nakaramdam ako nang duda. Binalot ako nang alinlangan. Bakit? Talaga? Noon naman ay hindi kailangan. Ito ba talaga ang paraan? Pansamantala, habang naka suklob pa ang di katiyakan, ay magbabakasakali muna ako ruon kung saan nakalatag ang mga bituin. Ruon kung saan nasa lupa lamang ang tala. Baka puwede. Baka kaya. Hindi naman masama kung aking susubukan. Mukhang may pag asa naman. Mukhang naruon ang isa pang kasagutan. Panahon na! #igersphilippines #igersasia #blackandwhiteigers #blackandwhitestreetphotography #amateurs_bnw #bnw_philippines #world_bnw #bnwstreetphoto #phonephotography #mobilephotography #streetphotography #streets_storytelling #LensOnStreets #mystiquephotos #darkroom_daydream #litratongpinoy #kantography #kalyegraphy #KwentongKalyePH #tuklas_pinasitimatputi #tuklas_kalyepinas #peopleinframe #bipolardisorder #manicphase #humansofthephilippineislands #snapseedph #snapseedbnw #silhouette #positivity #livingapositivelife Read more post at: www.thebookofdyuson.wordpress.com *************************************** dpy2019™

Share 167 0
Advertisement
(adsbygoogle = window.adsbygoogle || []).push({});

Day 354 - If you don't see yourself as a winner, then you cannot perform as a winner I had a very bad dream last night. I dreamt that I was back in the place where it all ended. Everything was so vivid. I could see all the details very clearly. Kausap ko raw ang isang grupo nang mga dating katrabaho. Pinag didiskusyunan daw namin ang dahilan kung bakit hindi natuloy ang isang pagtatangghal. Sa kabila ng aking mga paghihirap ay pilit nila akong hinanapan ng pagkakasala. Hindi ko raw maipagtanggol man lang ang aking sarili. Nakaramdam ako muli ang kirot sa damdamin. I woke up feeling defeated. Hindi tulad nang nakasanayan ko na ay hindi ako kaagad nakabangon. Ilang minuto rin akong nakatulala. Parang totoong totoo ang aking panaginip. Ngunit pinilit ko ang aking sarili na makabalik sa realidad. Pilit kong inunawa na tapos na ang napakasamang bangungot. Nakalipas na ang pighati. Kailangan ko nang iwan sa nakaraan ang hapis. Kailangan ko nang mabuhay sa kasalukuyan! Bumangon lang ako nang marinig ko na ang pagtahol ni Mildred. Kailangan ko na siyang pakawalan. Kailangan ko na siyang bigyan ng tubig at pagkain. Pagkatapos kong inumin ang gamot ko na pang alas sais ay bumaba na ako. Paulit ulit kong sinasabi sa aking sarili na tapos na ang paghahari nang karimlan. Panahon na! Kaya kong lumaban. Ako ay magwawagi! Nakaguhit sa aking palad ang tagumpay! #project365 #igersphilippines #igersasia #blackandwhiteigers #blackandwhitestreetphotography #bnw_philippines #world_bnw #bnwstreetphoto #phonephotography #mobilephotography #streetphotography #streets_storytelling #LensOnStreets #mystiquephotos #darkroom_daydream #litratongpinoy #kantography #KwentongKalyePH #tuklas_pinasitimatputi #tuklas_kalyepinas #friendsinbnw #peopleinframe #bipolardisorder #mobile_photographer__ #snapseedph #snapseedbnw #UntwineMePh #positive #aranetacenter #urbanart Read more post at: www.thebookofdyuson.wordpress.com *************************************** dpy2018™

Share 152 8

Day 349 - Journey to what I was in the past Uuwi na ako sa Quezon City bukas. Uuwi na rin daw kasi silang mga taga rito. Mukhang tapos na gawin yung sahig sa taas at sa baba. Hindi ko alam kung kailan ulit ako makakabalik dito sa Baras, Rizal. Pero, one thing is for sure, when I do get back i'll make sure to use that time to take one step that will get me closer to my plan of starting my journey to what I was in the past. Anyway, dahil nga balik siyudad na ako bukas ay nilubos ko na ang pagkakataon na narito pa ako. Nagtungo ako sa bayan kanina. Balak ko sanang magpagupit ngunit ako ay nagdalawang isip. Baka kasi hindi lang makuha yung gusto kong porma ng gupit na tres. Mukhang matutuloy pansamantala ang pagpapahaba ko ng buhok. Mukhang sa isang taon na ako magpapatabas. Mukhang babalik talaga ako kay Ramil. At dahil nga na-unsiame ang balak kong pagpapa hair cut ay dumiretso na lang ako sa Saint Joseph Church. Inaliw ko saglit ang aking sarili sa panonood ng mga kabataang naglalaro ng volleyball sa gilid ng simbahan. Pinagmasdan ko rin yung pagbuo sa Christmas Tree na gawa sa puting payong. Hinayaan ko ang batang ito, na naka suot nang kulay violet na t-shirt, na mag photo bomb nang kunan ko ng larawan ang dambana. Inentertain din ako nung tatlong bagets na naka bisikleta. Nang utusan na silang bumili ng bombilya ay pumasok na ako sa simbahan. Ako ay may ipinagdasal. #project365 #igersphilippines #igersasia #blackandwhiteigers #blackandwhitestreetphotography #bnw_philippines #world_bnw #bnwstreetphoto #phonephotography #mobilephotography #streetphotography #streets_storytelling #LensOnStreets #mystiquephotos #darkroom_daydream #litratongpinoy #kantography #KwentongKalyePH #tuklas_pinasitimatputi #Tuklas_BatangPinoy #friendsinbnw #peopleinframe #bipolardisorder #mobile_photographer__ #snapseedbnw #UntwineMePh #positive #saintjosephchurch #barasrizal #catholichurchinthephilippines Read more post at: www.thebookofdyuson.wordpress.com *************************************** dpy2018™

Share 144 2

Day 346 - Focus on the journey, not the destination Sa kabila ng aking kahandaang makabalik ay aaminin kong marami pa rin akong mga pag aalinlangan. Sa tagal kasi ng panahon na lumipas ay nag aatubili na ako ngayon kung kaya ko pa bang makipagsabayan. Nang dahil sa matinding hapis na aking pinag daanan, mula sa kanilang aking pinagsilbihan, ay matindi na ang takot kong baka maulit lang ang istorya sa oras na ibigay ko muli ang aking buhay. Oo, mahigit na isang dekada na nga ang nakalipas ngunit sariwa parin ang sugat at sagad buto parin ang kirot na dinulot sa akin ng ginawa nilang panglilibak. Dinungisan nila nang husto ang aking dangal. Binulabog nila nang walang awa ang aking katinuan. Tinuring nilang mas masahol pa sa hayup ang aking pagkatao. Kinitil nila ang aking pangarap. Winasak nila ang tiwala ko sa aking sarili. Tinalikuran ako nang lahat ng dahil sa pagkatig ko sa katotohanan. Pati na ang aking pangalan ay itinuring nila na tila karamdaman at sumpa na bawal sambitin. Hindi man lang nila isina alang-alang ang ginawa kong pag alay ng aking kaluluwa! Ngunit, hindi talaga patas ang buhay. Sadyang malupit ang tadhana. Kailangan ko itong tanggapin at matutong mangarap muli. Panahon na upang bumangon. Oras na upang mapatunayang may puwang pa ako sa mundo. Kakayanin ko! Alam kong kaya ko! At kapag ako'y naka abante na muli ay sisiguraduhin kong magamit ang lahat ng aral na aking natutunan mula sa napakapait na karanasan. Most importantly, once I am on my feet again, I will make sure that I focus on the journey, not the destination! #project365 #igersphilippines #igersasia #blackandwhiteigers #blackandwhitestreetphotography #bnw_philippines #world_bnw #bnwstreetphoto #phonephotography #mobilephotography #streetphotography #streets_storytelling #LensOnStreets #mystiquephotos #darkroom_daydream #litratongpinoy #kantography #KwentongKalyePH #tuklas_pinasitimatputi #friendsinbnw #peopleinframe #bipolardisorder #mobile_photographer__ #snapseedbnw #UntwineMePh #positive #silhouette #shadow #buhayprobinsiya #positivity Read more post at: www.thebookofdyuson.wordpress.com *************************************** dpy2018™

Share 154 8

Day 340 - Late afternoon Dahil siguro sa matinding stress na idinulot ng dating kakilala, na minasama at ginawan nang malaking eksena ang kagustuhan kong makapagpasaya, kung kaya naging balisa ang pagtulog ko kagabi. At dahil mababaw nga ang aking pagtulog kagabi, hindi ko napigilang maka idlip nang matagal pagkatapos kong matanggal ang susi sa sasakyan! Late afternoon na ng ako ay magising. Agad akong umakyat upang isilong ang aking mga isinampay. Pagbaba ay nag saing naman ako para sa aking hapunan. Nang maisalang ko na ang aking sinaing ay pinakain ko naman sina Tisoy, Wacky, at Cogie At habang abala sila sa pag ubos ng kanilang napaka sarap na pagkain ay naglakad lakad naman ako. Wala halos akong makitang naglalakad sa kalsada. Maliban sa ilang kabataang pauwi na mula sa tinambayan nilang tindahan sa di kalayuan. Every now and then ay may mga dumaraan namang tricycle, motor, at truck. Meron din akong nakitang ilang nag bibisikleta. Pero other than that ay wala nang gaanong ganap. At dahil nakakabagot nga kaya pumasok na lang ako ulit sa bahay. Pinanuod ko na lang kung paano gumawa ng parol sina Kurt at Achilles. #project365 #igersphilippines #igersasia #blackandwhiteigers #blackandwhitestreetphotography #bnw_philippines #world_bnw #bnwstreetphoto #phonephotography #mobilephotography #streetphotography #streets_storytelling #LensOnStreets #mystiquephotos #darkroom_daydream #litratongpinoy #kantography #KwentongKalyePH #tuklas_pinasitimatputi #tuklas_kalyepinas #friendsinbnw #peopleinframe #bipolardisorder #mobile_photographer__ #snapseedph #snapseedbnw #UntwineMePh #positive #binatangpinoy #provincialliving Read more post at: www.thebookofdyuson.wordpress.com *************************************** dpy2018™

Share 140 2

Day 339 - Early morning Early morning lang daw kung magbukas ang mga tindera sa Pamilihang Bayan. Kaya bago pa mag alas siyete ay naruon na ako sa may tulay. Namili ako ng manok at gulay na pang sinampalukan. Bumili rin ako ng stock kong tinapay na pang almusal. Gumastos lang ako ng kabuuang 150 pesos para sa lahat ng aking mga napamili. Kasama na sa nasabing halaga ang pinamasahe ko sa tricycle papunta at pauwi. Lunes ng umaga nang lumipat ako dito sa Baras, Rizal. Pansamantalang set up lang ito habang ginagawa pa ang bahay sa Project 4. Buong puso kong tinanggap ang pananatili rito sapagkat alam kong iyon ang pinaka mainam. Ayokong maka abala sa mga pagkilos nila ruon habang may nag tatrabaho. Iwas na rin sa matinding alikabok na dala ng pagpapasemento ng flooring sa baba. At ang pinaka maganda pa ay makakapag pahinga akong mabuti! Gusto kong lubusin ang ano mang pagkakataong mayroon upang makapag pahinga. Gusto ko kasing mas bumuti na ang aking kalusugan. Hangad kong mas maging masigla na ako sa paparating na Bagong Taon upang nang sa gayon ay makabalik na ako sa paghahanapbuhay. Hangad kong makabalik na sa pagtuturo. Nais kong makapag bahagi muli ng kaalaman. Nais kong balikan ang mga bagay na mahalaga sa akin. #project365 #igersphilippines #igersasia #blackandwhiteigers #blackandwhitestreetphotography #bnw_philippines #world_bnw #bnwstreetphoto #phonephotography #mobilephotography #streetphotography #streets_storytelling #LensOnStreets #mystiquephotos #darkroom_daydream #litratongpinoy #kantography #KwentongKalyePH #tuklas_pinasitimatputi #tuklas_kalyepinas #friendsinbnw #peopleinframe #bipolardisorder #seventwentymagazine #snapseedph #snapseedbnw #UntwineMePh #positive #bicycle #provincialliving Read more post at: www.thebookofdyuson.wordpress.com *************************************** dpy2018™

Share 145 5

Day 317 - The only thing to fear is fear itself Nagsisimula nanaman akong mag alala at mangaba lately. Nag wo-worry ako sa mga maaari pang maganap hanggang matapos ang kasalukuyang taon. Kinatatakutan ko rin ang walang kasiguraduhang tadhana na hatid ng nalalapit na bagong taon. Ang aking mga takot ay dulot ng paparating na Holiday Seasons. Ang Kapaskuhan kasi ay isa sa mga matinding triggers ko. Imbis na saya ang dulot sa akin ng Christmas ay matinding lungkot ang aking nararamdaman. There is something about the festivities that causes me a lot of unpleasant flashbacks. Anyway, isa sa mga pinag alala at pinangambahan ko rin recently ay ang biglaang pananamlay ni Mildred. For unknown reasons, she suddenly started sulking. For three agonizing days, she just refused to eat. Aside from the fear of losing her, natakot din ako na baka may kaugnayan sa pagkakakagat niya sa akin ang kanyang kakaibang kinikilos. Before kasi dumating yung kapatid ko from Dubai ay nakagat niya ako ulit sa aking right thumb. Hindi lang basta puncture yung sugat. It was a one inch long laceration na madugo at may kalaliman. Nawala lang ang aking pag aalala at pangamba kahapon. Pag gising at pag dungaw ko kasi sa aking bintana nung umaga ay nakita ko si Mildred na nakatayo na! She was looking up at me while wagging her tail. Agad akong bumaba para bigyan siya ng tubig at pagkain. To my great surprise, uminom at kumain naman siya kaagad. I immediately examined her. It turned out, nagdadalaga na pala ang aking alaga! I realized na walang kuwenta pala ang tatlong araw kong takot! . #project365 #igersphilippines #igersasia #blackandwhiteigers #blackandwhitestreetphotography #bnw_philippines #world_bnw #bnwstreetphoto #phonephotography #mobilephotography #streetphotography #streets_storytelling #LensOnStreets #mystiquephotos #darkroom_daydream #litratongpinoy #kantography #KwentongKalyePH #tuklas_pinasitimatputi #tuklas_kalyepinas #friendsinbnw #peopleinframe #bipolardisorder #snapseedbnw #UntwineMePh #positive #shadow #silhouette #aranetacenter #reflection Read more post at: www.thebookofdyuson.wordpress.com *************************************** dpy2018™

Share 149 3

Day 308 - At the end of the day, let there be no excuses, no explanations, no regrets No excuses. Hindi ko kailangang humingi ng paumanhin. Ginawa ko ang mga ginawa ko sapagkat iyon ang abot ng aking makakaya. Alin ba ang mas mabuti, ang pakinggan ang dikta ng mas marami at mawala ang aking sarili o ang sundin ang bulong ng aking konsensiya at makilala nang lubos kung sino talaga ako? Bakit ko kailangang abutin ang langit kung maaari naman akong tumungtong sa lupa? No explanations. Hindi ko kailangang mag dahilan. Ginawa ko ang mga ginawa ko sapagkat iyon ang mga dapat na gawin. Maaaring ang tama para sa akin ay kabaliwan naman para sa ilan. Ang konsepto ko ng katanggap tanggap ay maaaring krimen naman para sa kakaunti. Sa usaping pag tatagumpay, ano nga ba ang dapat na sundin? Ang gawin ang tama o ang gawin ang pinaka mainam? No regrets. Hindi ko kailangang manghinayang. Ginawa ko ang mga ginawa ko sapagkat iyon ang alam kong makakabuti para sa ikakatahimik ng aking isip. Uunahin ko pa ba ang mga opinyon ng mga hindi nakaka unawa o makokontento na lamang ako sa realidad na sa aking pagsalungat ay mahimbing naman akong makakatulog sa gabi? Alin nga ba ang mas mahalaga, ang lamang ngunit kinaiingitan o ang kulang ngunit di pinahahalagahan? #project365 #igersphilippines #igersasia #blackandwhiteigers #blackandwhitestreetphotography #bnw_philippines #world_bnw #bnwstreetphoto #phonephotography #mobilephotography #streetphotography #streets_storytelling #LensOnStreets #mystiquephotos #darkroom_daydream #litratongpinoy #kantography #KwentongKalyePH #tuklas_pinasitimatputi #tuklas_kalyepinas #friendsinbnw #peopleinframe #bipolardisorder #seventwentymagazine #snapseedph #snapseedbnw #UntwineMePh #positive #shadow #silhouette Read more post at: www.thebookofdyuson.wordpress.com *************************************** dpy2018™

Share 153 5
mkk_production. Hi welcome to jail

Hi welcome to jail

Share 37 19

Day 305 - Terminal 3 May sinundo ako sa Ninoy Aquino International Airport kahapon. Galing siyang Dubai pero may connecting flight siya sa Singapore. 5:55 PM ang kanyang estimated time of arrival pero alas tres ng hapon pa lang ay nasa Terminal 3 na ako. So, may halos tatlong oras akong kailangang palipasin. Halos tatlong oras na mas maganda sanang gugulin ko na lamang sa pagpapahinga. Halos tatlong oras na natakot akong baka masayang lamang. Halos tatlong oras na sadyang napaka halaga para sa akin. Surprisingly, hindi ko rin naman napansin ang paglipas ng halos tatlong oras. Naging abala kasi ako sa pagmamatyag sa mga tao sa aking paligid. Napuno nang pagkamangha ang aking diwa. Muli ay naging abala ang aking isip sa mga kabalintunaan ng buhay. Kailan ba maaaring maging tama na ipinagbunyi ang bawat paglisan at ipinagluksa naman ang bawat pagdating? #project365 #igersphilippines #igersasia #blackandwhiteigers #blackandwhitestreetphotography #bnw_philippines #world_bnw #bnwstreetphoto #phonephotography #mobilephotography #streetphotography #streets_storytelling #LensOnStreets #mystiquephotos #darkroom_daydream #litratongpinoy #kantography #KwentongKalyePH #tuklas_pinasitimatputi #tuklas_kalyepinas #friendsinbnw #peopleinframe #bipolardisorder #seventwentymagazine #snapseedph #snapseedbnw #UntwineMePh #positive #shadow #silhouette Read more post at: www.thebookofdyuson.wordpress.com *************************************** dpy2018™

Share 163 2

Day 304 - National Shrine of Saint Padre Pio Biglaan lang ang lakad namin papunta sa National Shrine of Saint Padre Pio sa Batangas noong Thursday last week. Hindi gaano napagplanuhan. Akala ko nga ay hindi na matutuloy. Pero pinag adya parin naman. Kadalasan talaga yung mga biglaang lakad ang mas nagma-materialize! Anyway, getting to our destination in Batangas was not easy at all. Sinagupa namin ang matinding traffic sa Boni Serrano and EDSA. Rush hour na kasi nang maka alis kami ng bahay. Then bilang first time pupunta ruon ang aming tiyuhin na siyang nag drive ng kotse, tila nag excursion din muna kami bago matunton ang SLEX. Lunch time na nang makarating kami sa shrine. Napakaraming tao. Last day na kasi ng paglalagi ruon ng incorrupt heart ni Saint Padre Pio. Nagulat pa ako sapagkat nagkita pa kami ng dati kong co teacher na si Mrs. Estela Sarte. Nakakatuwa rin naman. Matagal na panahon na rin nang huli ko siyang nakadaupang palad. #project365 #igersphilippines #igersasia #blackandwhiteigers #blackandwhitestreetphotography #bnw_philippines #world_bnw #bnwstreetphoto #phonephotography #mobilephotography #streetphotography #streets_storytelling #LensOnStreets #mystiquephotos #darkroom_daydream #litratongpinoy #kantography #KwentongKalyePH #tuklas_pinasitimatputi #tuklas_kalyepinas #friendsinbnw #peopleinframe #bipolardisorder #seventwentymagazine #snapseedph #snapseedbnw #UntwineMePh #positive #nationalshrineofsaintpadrepio #prayhopeanddontworry Read more post at: www.thebookofdyuson.wordpress.com *************************************** dpy2018™

Share 141 2

Day 289 - Your burden is only as heavy as you think it to be Every 30 days na nga ang dating ng aking supply. Very convenient ito para sa akin sapagkat hindi ako gaano stressed sa pag iisip ng paraan kung paano makakarating ng matiwasay sa Marikina kung every 15 days ang abutan. Atleast, kung good for a month na ang bigayan ay makakadiskarte pa muna ako nang matagal tagal bago ang takdang araw! Anyway, matapos ang kaunting aberya ay nakarating naman ako nang maayos sa Marikina. Salamat sa aking mabuting sponsor. Salamat din sa FX driver na nagbaba sa akin sa mismong tapat. Salamat din duon sa staff na nag asikaso sa akin ng ako ay dumating. Salamat din sa naka upo sa unang lamesa. At salamat din kay Manong na nagtutulak ng isang malaking kariton na punong puno ng saging na saba! Salamat dahil natauhan ako bigla. Tama naman. Kung siya nga walang reklamo ako pa kaya? Kung iisipin ko ang lahat ng hindi maayos ay ako din lang naman ang mahihirapan. Tatanggapin ko na lang muna ang lahat ng mga pasanin. Bubuhatin ko na lang muna ang lahat ng mga pabigat. Push lang nang push! Go lang nang go! Think positive lang. Aayos din ang lahat. Maybe not today pero mayroon pa namang bukas. #project365 #igersphilippines #igersasia #blackandwhiteigers #blackandwhitestreetphotography #bnw_philippines #world_bnw #bnwstreetphoto #phonephotography #mobilephotography #streetphotography #streets_storytelling #LensOnStreets #mystiquephotos #darkroom_daydream #litratongpinoy #kantography #KwentongKalyePH #tuklas_pinasitimatputi #tuklas_kalyepinas #friendsinbnw #peopleinframe #bipolardisorder #seventwentymagazine #snapseedph #snapseedbnw #UntwineMePh #positive #positivity #thinkpositive Read more post at: www.thebookofdyuson.wordpress.com *************************************** dpy2018™

Share 189 9

Day 287 - I went to the market I went to the market this morning. Bumili ako ng dalawang pirasong kamatis, sampung pisong halaga ng kalabasa, at limang pisong balot ng bagoong na isda. Yun lang ang dinayo ko sa palengke sapagkat mayroon na akong limang pirasong talong, tatlong bungkos ng okra, dalawang dakot na saluyot, apat na butil ng bawang, at isang maliit na sibuyas. Nagluto ako ng Laswa for lunch! Natuwa naman nang husto ang tiyan ko! Madalas na akong kumakain ng gulay lately. Last week ay nagluto ako ng Ginisang Munggo na may dahon ng ampalaya. Then nitong sabado naman ay gumawa ako ng Pumpkin soup with eggplant. Mayroon pa akong puso ng saging na hindi pa nagagalaw. Balak kong ihalo sa Sinigang na Isda sa bayabas or puwede ko rin naman siya gawing Torta! May isang bungkos din akong saging na saba. Balak kong ilaga yung ilan at gawing Banana Cue naman ang natitira. Kapag nagkaruon ako ng salapi ay gusto ko rin magluto ng Kalabasang okoy with hipon, Ampalaya con karne, Pinakbet with bulanglang or alukon, Lumpiang sariwa, Laing na may dalagang bukid, Patola with miswa, and Chopsuey with quail eggs! Gusto ko rin ng Ensaladang lato na may kapartner na inihaw na Tilapia and Kilawing labanos with inihaw na Pusit! For dessert ay gusto ko naman ng minatamis na Langka. Then fresh Buko juice naman for my drinks! #igersphilippines #igersasia #blackandwhiteigers #blackandwhitestreetphotography #amateurs_bnw #bnw_philippines #world_bnw #bnwstreetphoto #phonephotography #mobilephotography #streetphotography #streets_storytelling #LensOnStreets #mystiquephotos #darkroom_daydream #litratongpinoy #kantography #kalyegraphy #KwentongKalyePH #tuklas_pinasitimatputi #tuklas_kalyepinas #peopleinframe #bipolardisorder #depressivephase #humansofthephilippineislands #snapseedph #snapseedbnw #womaninthemarket #depression Read more post at: www.thebookofdyuson.wordpress.com *************************************** dpy2018™

Share 158 7

Day 282 - Please don't leave me alone Simula nang dumating si Mildred sa bahay ay maaga na ako parati gumigising. Pagbaba ko mula sa kuwarto ay may ilang minuto kaming cuddle time bago ko siya bigyan ng tubig at pagkain. Habang abala sa kanyang breakfast ay nagwawalis na ako sa bakuran. Madalas, pagkatapos kong maglinis ay tapos na ring kumain ang aking puppy. Kaya naman ang next naming ginagawa ay ang maglaro ng "Fetch"! Iyan ang mga pinagkaka abalahan namin ng aking alaga tuwing umaga! Naikuwento ko ang morning routine namin ni Mildred dahil medyo may nabago kanina sa usual naming ginagawa. After ko kasi ibigay ang kanyang breakfast ay nag prepare ako para magpunta sa banko. Pagbaba ko ay tapos na ring kumain ang aking puppy at nag aabang na para maglaro. Kaya lang inisnab ko muna siya dahil nga mayroon akong appointment. Habang naglalakad ako papunta sa gate ay hinihila niya ang laylayan ng aking pantalon. Paglabas ko naman ay dumungaw siya sa siwang ng gate at nag simulang umiyak iyak. Huminto ako at kinausap si Mildred. Sinabi ko sa kanya na saglit lang naman ako at babalik din agad. Patuloy parin siya sa pag papa-awa. Pilit niya akong inaabot ng kanyang kamay. Kung nakakapagsalita lang siguro siya ay sinabi na niyang: " Pakiusap, huwag mo akong iwan mag-isa." Na touch naman ako. Mabuti pa ang alaga kong tuta, pinahahalagahan ang aking presensiya. Saglit lang akong mawawala ay hindi na masukat ang kanyang kalungkutan. #igersphilippines #igersasia #blackandwhiteigers #blackandwhitestreetphotography #amateurs_bnw #bnw_philippines #world_bnw #bnwstreetphoto #phonephotography #mobilephotography #streetphotography #streets_storytelling #LensOnStreets #mystiquephotos #darkroom_daydream #litratongpinoy #kantography #kalyegraphy #KwentongKalyePH #tuklas_pinasitimatputi #tuklas_kalyepinas #bipolardisorder #depressivephase #snapseedph #snapseedbnw #dogsofinstagram #dobermanshepherd #doglover #puppy Read more post at: www.thebookofdyuson.wordpress.com *************************************** dpy2018™

Share 167 2
Advertisement
(adsbygoogle = window.adsbygoogle || []).push({});